Naging mahirap sa aming pamilya nang malaman namin na matatanggal sa trabaho ang aking asawa dahil sa pandemya. Naniniwala kami na ipagkakaloob ng Dios ang aming mga pangangailangan. Pero natatakot pa rin kami kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap.
Habang magulo ang isip ko noong mga panahong iyon, binasa ko ang paborito kong tula na isinulat ni John of the Cross. Sinasabi sa tulang iyon kung paano natin isusuko sa Dios ang lahat ng ating pinagdadaanan kahit na hindi natin maunawaan ang mga nangyayari sa ating buhay. Kaya iyon ang ginawa namin ng aking asawa. Patuloy naming tiningnan ang pagkilos ng Dios sa mga bagay at pangyayari na hindi namin makontrol.
Hinikayat din naman ni Apostol Pablo ang mga mananampalataya sa Corinto na tumingin sa mga bagay na hindi nakikita. Sinabirin niya na inihahanda tayo sa panandalian nating mga kapighatian para sa walang hanggan at di-masukat na kaluwalhatian na mararanasan natin (2 Corinto 4:17).
Nauunawaan naman ni Apostol Pablo ang ating mga pinagdadaanan. Nalalaman din niya na kung magtitiwala tayo kay Jesus kahit na hindi natin nauunawaan ang mga nangyayari sa ating buhay, mararanasan natin ang kasiyahan at pag-asa na nagmumula sa Kanya (Tal. 10, 15-16).