Idineklara ni Ludmilla ang kanyang bahay sa Czech Republic bilang “Embahada ng Kaharian ng Langit.” Sinabi ng 82 taong gulang na biyudang ito na ang kanyang tahanan ay kadugtong ng kaharian ni Cristo. Tinatanggap niya ang mga kaibigan at kahit dayuhan na nangangailangan ng pagkain o lugar na panuluyan. Ginagawa niya ito ng may pag-ibig, habag at mapanalangining puso. Natutuwa siya kapag dinirinig ng Dios ang panalangin ng kanyang mga bisita.
Naglingkod si Ludmilla sa Dios sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanyang tahanan at puso, taliwas sa kilalang pinuno ng relihiyon na naging kasalo ni Jesus sa araw ng Sabbath. Sinabi ni Jesus na kailangan Niyang imbitahin rin ang mga mahihirap, lumpo, pilay, bulag kahit hindi siya kayang suklian ng mga ito (Lucas 14:13).
Samantalang ang pag-iimbita ng Pariseo ay may bahid ng pagmamalaki (Tal. 12), ang pagbubukas ni Ludmilla ng kanyang tahanan ay dahil sa kanyang kagustuhan na maging instrumento ng pag-ibig at karunungan ng Dios.
Ang paglilingkod sa iba na may kababaaang-loob ay isang paraan upang maging “kinatawan tayo ng kaharian ng langit”, gaya ng sabi ni Ludmilla. Kahit makapagbigay tayo o hindi ng higaan sa isang dayuhan, ang mahalaga ay unahin natin ang kailangan ng iba higit sa ating sarili. Paano natin maipadarama ang kaharian ng Dios sa iba sa panahon ngayon?