Habang umaawit ng mga papuri sa Dios, marami ang nakaramdam ng kagalakan at kapayapaan. Maliban, sa isang ina na nahihirapan sa pag-aasikaso ng kanyang tatlong anak.
Hindi naman nagtagal ay tinulungan rin siya ng kanyang mga kasamahan sa simbahan. Sinamahan ng isa ang kanyang anak na maglakad-lakad. Ang isa naman ay naghawak ng songbook ng panganay na anak habang ipinaghehele ang sanggol na kanyang karga-karga. Sa isang iglap ay nagbago ang kalalagayan ng ina. Naipikit niya sa maikling sandali ang kanyang mata at nakasabay sa pagpupuri sa Dios.
Nais ng Dios na sambahin Siya ng lahat ng tao–lalaki, babae, bata at matanda, matagal man at bagong mananampalataya. Inutusan naman ni Moises ang mga Israelita na “tipunin ang mga tao – mga lalaki, babae, bata at mga dayuhang naninirahan sa bayan nʼyo.” upang “makapakinig sila at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Dios at sumunod nang mabuti sa lahat ng ipinatutupad ng mga utos na ito (Deuteronomio 31:12). Nalulugod ang Dios kapag sinasamba Siya ng lahat ng uri ng tao anuman ang kalalagayan o edad nila.
Noong umagang iyon sa simbahan, ang ina at ang mga tumulong sa kanya ay nakaramdam ng pag-ibig ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtanggap. Sa susunod na ikaw ay dumadalo sa isang pananambahan, maaari ka ring tumulong at magpadama o tumanggap ng pagmamahal ng Dios.