Isang batang babae ang nagtatampisaw sa mababaw na sapa habang siya ay pinapanood ng kanyang ama. Nang natatangay na ang batang ito ng agos ng palalim ng palalim na tubig at hindi na siya makabangon, sumigaw siya ng “Tatay, tulungan mo ako”. Dali-daling pumunta ang kanyang tatay upang itayo siya mula sa pagkakatampisaw sa mababaw na sapa. Nang maiahon na ang bata ay nagtawanan na lamang silang mag-ama.
Matapos iligtas ng Dios si Haring David mula sa kanyang mga kaaway, siya ay tumigil upang umupo saglit at nagpahinga. Sinabi ni David, “Karapat-dapat Kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa Inyo, inililigtas Nʼyo ako sa mga kalaban ko” (2 Samuel 22:4). Pinuri niya ang Panginoon bilang kanyang matibay na bato na kanlungan at pananggalang (Tal. 2-3), at nagpatuloy siya sa kanyang pagsagot sa pamamagitan ng tula: Lumindol at nayanig ang kapaligiran.
Ang Dios ay bumaba mula sa kalangitan. Kumidlat mula sa Kanyang pinagmulan. Iniahon siya ng Dios mula sa malalim na tubig. (Tal. 8,10,13-15,17).
Maaaring sa panahon ngayon ay nararamdaman mo na marami ang kumakalaban sa iyo. Maaaring patuloy tayo sa paggawa ng mga kasalanan na pumipigil sa atin upang mas tumibay ang ating buhay espirituwal. Alalahanin natin kung paano tayo tinulungan ng Dios sa pagharap sa mga nakaraang pagsubok, at papurihan Siya sa lahat ng pagkakataon. “Iniligtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal Niyang Anak” (Colosas 1:13).