Ang pagiging bata ay hindi hadlang upang abutin ang ating mga pangarap. Ito ang naging inspirasyon ng labing isang taon na si Mikaila nang simulan niya ang kanyang negosyo. Sinimulan niyang itinda ang “Me & the Bees Lemonade” gamit ang recipe ng kanyang lola hanggang sa kumita na siya ng tatlong milyong peso. Pumirma na rin siya ng mga kontrata sa limampu’t limang malalaking pamilihan upang maibenta ang kanyang lemonade.
Ang pagiging masigasig sa pagtupad sa pangarap nang batang si Mikaila ang nagpaalala sa akin sa sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo: “Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan” (1 Timoteo 4:12).
Hindi man magkasing edad ni Timoteo at si Mikaila, siya ay itinuturing na mas bata sa kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Sa tingin ng ibang miyembro, hindi pa siya karapat-dapat para maging lider. Sa halip na ang payo ni Pablo kay Timoteo ay ipakita ang kanyang mga natatanging katangian, hinikayat ni Pablo na magpakita si Timoteo ng isang matatag na pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang pananalita, pag-uugali, pag-ibig, at malinis na pamumuhay (Tal. 12).
Kahit na ano pa man ang ating edad, maaari tayong maghayag ng magandang pagbabago sa ating mundo . Maaari nating gawin ito sa pamamagitan ng pagiging magandang halimbawa . Nawa’y patuloy tayong mamuhay ayon sa nais ng Dios upang kahit tayo ay tumanda na ay magiging karapat-dapat tayong magpahayag ng Kanyang mga salita sa ating kapwa .