Nag-alok ang isang kumpanya ng isang libong frequent-flier miles (mga milyang magagamit sa pagbiyahe sa eroplano) ‘pag bumili ng sampu ng isa nilang produkto. Higit labingdalawang libo ng pinakamurang produkto – tsokolateng puding – ang binili ng isang lalaki. Sa halagang 3,000 dolyar, may panghabang-buhay na tustos ng milya pang-eroplano na siya at pamilya niya. Ibinigay pa niya ang puding sa kawang gawa kaya nabawasan pa ng 800 dolyar ang buwis niya. Wais!

Noon, may kontrobersyal na talinhaga si Jesus tungkol sa isang tusong katiwala. Nang sinisisante sa trabaho, binawasan niya ang bayarin ng mga may utang sa amo niya para makaasa siya sa tulong nila sa hinaharap. Hindi pinupuri ni Jesus ang palsong paraan nito pero alam ni Jesus na may mapupulot tayong aral dito.

Sabi ni Jesus, “gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa iyong kapwa (Lucas 16:9). Tulad ng lalaki na ginamit ang murang puding para sa milya sa eroplano, magagamit din ang yaman natin dito sa mundo para magkaroon ng “tunay na kayamanan” (Tal. 11).

Ano ang mga yamang ito? Sabi ni Jesus, magbigay sa mga dukha at “gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo’y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira (12:33). Magiging patunay ito ng ating kaligtasan, “Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso” (Tal. 34).