Sa unang linya ng tulang 'May' nailarawan ng makatang si Sara Teasdale ang mga palumpong ng lila na tila kumakaway dahil sa malakas na hangin. Pero nananaghoy si Teasdale dahil sawi sa pag-ibig at naging malungkot na nga ang tula.
Dumanas din ng pagsubok ang mga lila na nasa likod bahay namin. Matapos ang isang panahon ng paglago, nakakalungkot na pinutol sila ng isang masipag na hardinero. Lumipas ang tatlong taon na hindi namulaklak, inamag, at muntik ko na lang silang tanggalin – pero namulaklak rin ulit ang mga matiising lila. Kailangan lang nila ng panahon at kailangan ko lang maghintay.
Nakatala sa Biblia ang maraming tao na patuloy nagtiwala at naghintay kahit sa harap ng hirap. Si Noe hinintay ang naantalang ulan. Si Caleb apat na dekadang naghintay para manirahan sa lupang pangako. Naghintay si Rebeka ng dalawangpung taon bago nagkaanak. Pitong taon naghintay si Jacob para mapangasawa si Raquel. Naghintay nang naghintay si Simeon para makita ang sanggol na Jesus. At ginantimpalaan ng Dios ang pagtitiyaga nila. Pero ang mga tumalikod sa Dios at nagtiwala na lang sa tao, “ang katulad niya’y halamang tumubo sa disyerto” (Jeremias 17:6).
Madilim ang dulo ng tula ni Teasdale: “Tatahak ako sa panahon ng taglamig.” Pero si Propeta Jeremias nagbunyi, “Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh . . .Katulad Niya’y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan” (Tal. 7-8). Magtiwala tayo at manatiling nakatanim sa Dios na Siyang naglalakad kasama natin ano man ang pinagdadaanan natin.