Dahil hindi masiguro gaano karami ang kailangan, madalas maghanda ng sobrang pagkain ang kantina sa paaralan at tinatapon na lang nila ang matitirang pagkain. Pero maraming mag-aaral ang walang sapat na pagkain sa bahay. Para malutas ang problema, nakipagtulungan ang isang distrito ng paaralan sa Amerika sa isang organisasyong tumutulong sa mga maralita. Ibinalot nila ang sobrang pagkain at ipinauwi sa mag-aaral.
Hindi man makita ng marami na problema ang pagkakaroon ng sobra-sobrang pera tulad ng nasasayang na pagkain, pero pareho rin ang diwa sa ginawang proyekto ng distrito ng paaralan sa panukala ni Apostol Pablo sa liham niya sa mga taga Corinto.
Batid ng apostol ang dinaranas na hirap ng mga na kay Cristo sa Jerusalem (1 Corinto 16:1-4). Hinikayat ng apostol ang mga na kay Cristo sa Corinto na gamitin ang kasaganaan nila para tustusan ang pangangailangan ng mga ito (2 Corinto 8:14).
Hindi ito para maghirap sila kundi para damayan ang kapwa tulad ng pagiging mapagbigay ng mga na kay Cristo sa Macedonia (Tal. 1-2), batid na baka sa hinaharap mangailangan din sila. ‘Pag nakita nating may pangangailangan ang iba, suriin natin kung mayroon tayong puwedeng ibahagi. Hindi sayang ang pagbibigay natin, maliit man o malaki.