Dalawang beses akong nagdusa ngayong tag-init dahil sa kanipay o poison ivy. Nangyari pareho nang nag-aalis ako ng mga talahib sa bakuran. Nakita ko naman na nasa malapit ang kaaway na may tatlong dahon pero naisip kong makakalapit ako nang hindi naaapektuhan nito. Mali. Imbes na lumapit sa maliliit na luntiang kaaway, lumayo dapat ako!
Tulad sa kuwento ng lingkod na si Jose sa Lumang Tipan, ipinakita niya ang halaga ng paglayo sa mas mapanganib pa kaysa sa kanipay: ang kasalanan. Nang nakatira si Jose sa bahay ni Potifar na isang pinuno sa Egipto, inakit siya ng asawa nito. Pero hindi lumapit si Jose—tumakbo siya palayo. Bagamat nagsinungaling na inakusahan ng asawa ni Potifar si Jose at pinakulong, nanatiling walang bahid. At makikita natin sa Genesis 39:21 na hindi pinabayaan ni Yahweh si Jose.
Tutulungan tayo ng Dios na takasan ang mga gawain at sitwasyon na maglalayo sa atin sa Kanya—gagabayan tayong lumayo kapag malapit na ang kasalanan. Sa Timoteo 2:22, sinulat ni Apostol Pablo na iwasan ang masasamang hilig. At sa 1 Corinto 6:18, sinabi niyang “Iwasan ninyo ang imoralidad.”
Sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Dios, nawa lumayo tayo sa mga makapipinsala sa atin.