Manunulat ako sa isang “mahalagang” magasin kaya pilit kong pinaghuhusay ang sinusulat kong artikulo para sa patnugot ng magasin. Paulit-ulit kong sinulat ang artikulo para abutin ang pamantayan niya. Pero saan nga ba ako nababahala? Sa mahirap na paksa ng artikulo o sa pag-aalalang masisiyahan ba ang patnugot sa akin at hindi lang sa sinulat ko?
May mapagkakatiwalaang tagubilin si Apostol Pablo sa ganyang problema sa trabaho. Sa liham niya sa grupo ng mga na kay Jesus sa Colosas, hinikayat niya silang gawin ang trabaho hindi para sa tao kundi para sa ikalulugod ng Dios.
Sabi niya, “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimplang inilaan Niya para sa inyo” (Colosas 3:23-24 MBB).
Batay diyan, hindi kailangan magmukhang magaling sa mata ng mga amo natin. Siyempre ginagalang natin sila bilang tao at ginagawa natin ang trabaho sa abot ng makakaya natin. Pero kung nagtatrabaho tayo “para sa Panginoon” at hinihiling natin sa Kanya na pangunahan at basbasan ang ginagawa natin para sa Kanya, bibiyayaan Niya ang mga pagsisikap natin. Ano ang biyaya natin? Mababawasan ang hirap ng kalooban at matatapos ang mga gawain. Higit pa diyan, isang araw maririnig nating sabihin Niya sa atin: Magaling!”