Nakikita Ng Dios
Single mom ang kaibigan kong si Alma. Noong iwan siya ng asawa niya, mag-isang dinala niya ang responsibilidad ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. “Mahirap,” sabi niya, “pero alam kong nakikita ako ng Dios, kami ng pamilya ko. Binibigyan Niya ako ng lakas para gumawa ng dalawang trabaho, magtustos sa mga pangangailangan namin, at hayaang maranasan ng mga anak ko ang…
Magandang Pagkatuklas
Habang nag-scuba diving noong 2021, nakatutok ang mga mata ni Jennifer sa isang maliit at berdeng bote sa ilalim ng ilog. Sinalok niya iyon. Nakita niyang may laman iyong mensahe ng isang binata sa ika-18 nitong kaarawan noong 1926! Hiniling doon na kung sinuman ang makadiskubre ng bote ay ibalik ito sa nagsulat.
Ginamit ni Jennifer ang Facebook para hanapin ang kapamilya…
Chichirya
Maliit ang isang lalagyan ng chichirya, pero nagturo ito ng malaking aral sa isang Amerikanong misyonero. Isang gabing nagtatrabaho siya sa Dominican Republic, dumating siya sa isang church meeting at nagbukas ng chihirya. Isang babaeng hindi niya kilala ang dumukot mula roon. Ganoon din ang ginawa ng iba.
Ang bastos naman, naisip ng misyonero. Tapos, nalaman niya ang isang mahalagang aral:…
Hindi Imbitado
Napakaganda ng karanasan ng bagong kasal na sina Kyle at Allison sa isang kakaibang lugar. Pero noong bumalik sila, nadiskubre nilang may makakating pantal si Kyle sa paa. Nagpunta sila sa espesyalista at sinabi nito na may maliliit na parasitiko na kumapit sa mga paltos ni Kyle sa paa dahil sa bago niyang tsinelas. Ang nagsimula bilang bakasyon ng kanilang…
Paglalakbay
Kapag nagsimula ka ng paglalakbay sa timog-kanluran ng Amerika sa isang maalikabok na bayan na tinatawag na Why, Arizona. Tatawid ka at mapupunta sa Uncertain, Texas. Kikilos ka pahilagang-silangan at hihinto ka muna sa Dismal, Tennessee. Sa huli, mararating mo ang destinasyon mo: Panic, Pennsylvania. Tunay na mga pangalan ng lugar ang mga ito, kahit pa parang hindi mo pipiliin…