Triple ng itinayang dami ng ulan ang bumuhos sa Waverly, Tennesee noong Agosto 2021. Pagkatapos ng malakas na bagyo, 20 katao ang namatay at daan-daang bahay ang nasira. Kung hindi sa awa at galing ng piloto ng helicopter na si Joel Boyers, mas marami pang buhay ang nawala.
Rumesponde ang piloto sa tawag ng isang babae na nag-aalala para sa mga mahal niya sa buhay. Bukod sa nakita niyang mga nasusunog na bahay at mga kotse sa puno, napansin ni Boyers na, “Walang makikita sa ilalim ko kundi maputik at nagngangalit na tubig.” Pero tumuloy pa rin siya at nailigtas niya ang 12 katao mula sa bubong ng mga bahay nila.
Mas madalas kesa hindi, hindi literal ang bahang kinakaharap natin sa buhay—pero totoo! Sa panahon ng pagdududa at karupukan, nalulula tayo at pakiramdam natin hindi tayo ligtas— parang hindi ka na makakaalis sa sitwasyong iyon. Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.
Sa Salmo 18, nababasa natin na madami at malalakas ang kalaban ni David, pero mas malakas ang Dios niya. Gaano kalakas? Napakalakas (Tal. 1) na gumamit si David ng talinhaga (Tal. 2) para ilarawan Siya. Kaya ng Dios na magligtas mula sa malalim na tubig at malalakas na kalaban (Tal. 16-17). Kapag tumawag tayo sa Kanya sa pangalan ni Jesus, ililigtas Niya tayo gaanoman kataas o kalalim ang “tubig” na nakapalibot sa buhay natin (Tal.3).