Naatasan ang kaibigan kong si Janice na maging manager ng departamento nila. Nalula siya sa responsibilidad dahil ilang taon pa lang siya sa kumpanya. Nanalangin siya sa Dios at pakiwari niya, nais ng Dios na tanggapin niya ang bagong tungkulin sa kanya – pero may takot pa rin siya na baka hindi niya ito kayanin. Sabi niya sa Dios: “Paano ito gayong kaunti lang ang karanasan ko? “Bakit Mo ako ilalagay dito para lang mabigo?”
Nang binasa niya ang pagtawag ng Dios kay Abram sa Genesis 12, napansin niyang “pumunta” ang tungkulin ni Abram “sa bayang ituturo (ng Dios) sa iyo... Sumunod nga si Abram (Tal. 1, 4). Kakaiba ang desisyong ito noong mga panahon iyon. Pero hiningi ng Dios ang tiwala ni Abram – isama ang pamilya – iwanan ang lahat ng mga bagay na pamilyar sa kanila – at ang Dios na ang bahala sa ibang bagay.
Pagkakakilanlan? Gagawin kitang malaking bansa. Pangangailangan? Pagpapalain kita. Reputasyon? Gagawin kong dakila ang pangalan mo. Layunin? Magiging pagpapala ka sa maraming tao sa mundo . Marami rin siyang nagawang mali sa pagdaan ng mga taon, pero “dahil sa pananampalataya, sumunod...pumunta...kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta” (Hebreo 11:8 MBB).
Nakahinga nang mas malalim si Janice. Sinabi niya sa akin, “Hindi ko kailangang alalahanin ang ‘pagtatagumpay’ sa trabaho. Kailangan ko lang magtiwala sa Dios na tutulong sa aking gawin ang trabaho ko.” Habang patuloy tayong binibigyan ng Dios ng pananampalatayang kailangan natin, nawa mamuhay tayong buo ang tiwala sa Dios.