May maiksing kuwento ni Jorge Luis Borges na isang manunulat na taga Argentina. Tungkol ito kay Marcus Rufus – isang sundalong Romanong umiinom mula sa isang sikretong ilog para maging imortal. Paglipas ng panahon, napagtanto niyang nawalan ng kabuluhan ang buhay niya nang nawalan ng limitasyon. At ang kamatayan ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Nakahanap ng lunas si Marcus – isang sapa na malinaw ang tubig. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ng sapang iyon, natusok siya sa tinik ng rosas at may dugong namuo. Karaniwang tao na siya ulit.
Tulad ni Marcus, minsan nababahala rin tayo dahil umiiksi na ang buhay natin (ꜱᴀʟᴍᴏ 88:3). Sang-ayon tayo na mahalaga sa buhay ang kamatayan: alam natin na ang kamatayan ni Cristo ang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa buhay natin. Dahil sa pagdaloy ng dugo Niya sa krus, nalupig ni Cristo “ang kamatayan” at “lubos na ang tagumpay” (1 ᴄᴏʀɪɴᴛᴏ 15:54). Para sa atin, nasa “tubig na buhay” na si Jesu-Cristo ang lunas (ᴊᴜᴀɴ 4:10). Dahil ininom natin iyon, nagbago ang lahat ng mga tuntunin ng buhay, kamatayan, at buhay na walang hanggan (1 ᴄᴏʀɪɴᴛᴏ 15:52).
Totoong hindi natin matatakasan ang pagkamatay ng ating katawan pero pinawi na ni Cristo ang pag-aalala natin tungkol sa buhay at kamatayan (ʜᴇʙʀᴇᴏ 2:11-15). Kay Cristo, napapanatag tayo sa pag-asang mananahan tayong kasama Siya sa langit.