Lumahok bilang pinakamatandang babaeng atletang Indiano si Man Kaur sa edad na 103 noong 2019 World Masters Athletic Championship sa Poland at nanalo ng gintong medalya sa apat na paligsahan (pagbato ng sibat, shot put, 60- at 200-metrong takbuhan). Ang pinakanakakahanga: mas mabilis ang pagtakbo niya kaysa sa kampeonato noong 2017. Isang lola sa tuhod na tumatakbo tungo na sa ikalawang siglo niya, ipinakita ni Kaur paano magtapos ng malakas.
Sa liham para sa kabataang alagad na si Timoteo, sinabi ni Apostol Pablo na huling yugto na ito. “Sapagkat dumating na ang panahon ng pagpanaw ko sa buhay na ito” (2 TIMOTEO 4:6). Sa pagmumuni-muni niya sa buhay, tiwala siyang nagtatapos siya nang mabuti. “Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban.” Sinabi pa ni Pablo, “Natapos ko na ang dapat kong takbuhin” (TAL. 7). Hindi ito dahil sa dami ng kahanga-hangang bagay na nagawa niya o ang malawak na epekto ng buhay niya sa maraming tao sa maraming lugar, kundi dahil “nanatili akong tapat sa pananampalataya” (TAL. 7). Nanatiling tapat si Apostol Pablo kay Jesus. Nagdaan siya sa lungkot at saya habang sumusunod sa sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. At alam rin niyang inihanda ni Jesus ang “koronang gantimpala” na masayang pangwakas sa buhay niyang matapat (TAL. 8).
Giit din niya na para “sa lahat ng nananabik sa pagbabalik [ni Jesus]” ang koronang ito (TAL. 8). Sa pagpasok ng bagong taon, tandaan nating naghihintay si Jesus na koronahan lahat ng nagmahal sa Kanya, at nawa maging maayos ang pagtatapos natin.