Napanood ko ang video ng tatlong taong gulang na bata na ginagaya ang ginagawa ng kanyang guro sa karate. Makikitang napakalaki ng tiwala ng bata sa kanyang guro. Dahil dito, nagawa ng bata ang lahat ng sinabi at pinagawa ng kanyang guro, at talaga namang ginalingan niya.
Dahil dito naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro. Ngunit kapag lubusan nang naturuan, magiging katulad siya ng kanyang guro” (ʟᴜᴄᴀꜱ 6:40). Kaya sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na maging matulungin, mapagmahal, at hindi mapanghusga sa kanilang kapwa (ᴛᴀʟ. 37-38) para maging katulad Niya sila. Tanong pa Niya, “Maaari bang akayin ng bulag ang isa pang bulag? Hindi kaya sila kapwa mahulog sa hukay?” (ᴛᴀʟ. 39 ᴀʙᴀʙ). Kailangang malaman ng mga alagad na bulag na mga gabay ang mga Pariseo, dahil inaakay nila ang mga tao sa kapahamakan (ᴍᴀᴛᴇᴏ 15:14). Kailangan nilang maunawaan ang kahalagahan ng kanilang pagsunod sa kanilang Guro. Upang maging layunin nila ang maging katulad ni Jesus. Kaya naman, mahalagang gawin nila ang mga utos ng Dios na maging matulungin at mapagmahal.
Ngayon, bilang nagtitiwala kay Jesus, kailangan din nating ibigay sa Guro ang ating buhay, upang maging katulad Niya tayo.