Nanibago ang isang pamilya sa bagong bansang kanilang nilipatan. Napakarami kasing pagkakaiba—bagong wika, paaralan, kaugalian, at klima. Napaisip sila kung paano sila masasanay sa mga pagbabagong ito. Nasagot ito nang tulungan sila ni Patti. Dinala niya ang mag-asawa sa palengke at tinuruan kung paano mamili rito. Sa kanilang pag-iikot, nakita ng mag-asawa ang paborito nilang prutas, ang pomegranate o granada. Bumili ng prutas ang mag-asawa para sa kanilang pamilya. Naglagay din sila ng isa sa kamay ni Patti, bilang kanilang pasasalamat sa kanya. Ang maliit na prutas at ang bagong kaibigan ang nagbigay sa kanila ng kapanatagan sa bagong bansa.
Mababasa naman natin sa Leviticus 19:34 na dapat ituring ang mga dayuhan na parang kababayan at ibigin sila na gaya ng sarili. Ito ang ibinigay na utos ng Dios para sa Kanyang bayan, sa pamamagitan ni Moises, sa kung paano dapat pakitunguhan ang dayuhan sa kanilang bayan. Gayundin, sinabi ni Jesus na ito ang pangalawang pinakadakilang utos. Dahil iniingatan ng Dios kahit pa ang mga dayuhan (SALMO 146:9).
Liban sa ating pagtulong sa mga bagong kaibigan upang masanay sila sa ating bansa, alalahanin nating dayuhan din tayo sa mundo (HEBREO 11:13). Sa ganoong paraan, mananabik tayo sa bagong makalangit na lupaing darating.