Noong apat na taong gulang pa lamang ang aming anak, kinailangan naming ipasuri ang kanyang mata. Nagkaroon kasi ng problema sa isa niyang mata. Kailangan itong patakan ng gamot at operahan. Hinarap niya ang mga pagsubok na ito kasama kami na mga magulang niya. Nagtiwala rin ang aming anak na pagagalingin siya ng Dios. Naging matatag siya dahil sa mga pagsubok na ito.
Nababago rin naman ang mga taong nagtitiis sa gitna ng mga pagsubok. Sinabi ni Apostol Pablo na “nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa” (ROMA 5:3-4). Maraming pagsubok na naranasan si Pablo dahil sa kanyang pananampalataya kay Jesus. Pero isinulat niya sa mga mananampalataya sa Roma na “hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Dios ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (TAL. 5). Nalalaman ni Pablo na ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa atin ng pag-asa kung magtitiwala tayo kay Jesus.
Anuman ang pagsubok na hinaharap mo ngayon, tandaan mo na ibubuhos sa iyo ng Dios ang Kanyang awa at biyaya. Mahal na mahal ka ng Dios.