Misyon ng dating gurong si Debbie Stephens Browder na hikayatin ang maraming tao na magtanim ng puno. Nakakaranas na kasi sila ng sobrang init sa bansang Amerika. Sinabi niya, “Ang lilim na naibibigay ng mga puno ay isang paraan upang protektahan ang ating mga komunidad. Hindi lamang nakakapagpaganda ng paligid ang mga puno. Nagbibigay rin ito sa atin ng buhay.”

Sa Biblia naman, mababasa natin sa Salmo 121 kung paano inilarawan ang Dios bilang ating lilim at kanlungan. Sinabi sa Salmo na iingatan tayo ng Panginoon at “hindi makakasakit sa [atin] ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi” (TAL. 6).

Pero hindi ibig sabihin ng mga talatang ito na hindi na makakaranas ng mga problema ang mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi ni Jesus na, “Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo” (JUAN 16:33). Pero dahil ang Dios ang ating lilim, makakaasa tayong iingatan Niya tayo sa ano mang kapahamakan (SALMO 121:7-8). Makakatagpo tayo ng kapahingahan kung magtitiwala tayo sa Dios. Mapapanatag din ang ating loob dahil natitiyak nating walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios (JUAN 10:28; ROMA 8:39).