Isang mag-asawa ang naghahanap ng bahay na matitirahan. Ipinakita ng isang ahente ang isang napakagandang bahay sa kanila. Mula sa hagdan, kuwarto, sahig, at iba pang mga silid, tunay na napakaganda ang pagkakagawa rito. Pinuri ng mag-asawa ang ahente sa pagpili ng pinakamagandang bahay para sa kanila. Pero sinabi ng ahenteng ang taong gumawa ng magandang bahay ang nararapat na bigyang papuri at pasasalamat.

Ang sagot ng ahente ay tulad sa tugon ng sumulat ng aklat ng Hebreo: “Higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo” (3:3). Inihalintulad ng manunulat ang katapatan ni Jesus at ng kay Moises (TAL. 1-6). Nabigyan ng pagkakataon si Moises na makausap nang harapan ang Dios (BILANG 12:8). Pero isa lamang siyang lingkod ng Dios (HEBREO 3:5). Tanging ang Dios ang nararapat bigyan ng papuri at pasasalamat sa lahat ng Kanyang ginawa para sa atin (1:2,10; 3:4,6). Mga lingkod at tagasunod lamang Niya tayo.

Tunay na ang Panginoon lamang ang dapat bigyang papuri at pasasalamat sa lahat ng kabutihan Niya sa atin. Sa Kanya lamang nararapat ialay ang lahat ng papuri.