"Linisin mo ako!” Hindi ito nakasulat sa sasakyan ko. Pero dahil puno na ito ng dumi at alikabok, agad akong pumunta sa palinisan ng sasakyan. Mahaba ang pila ng mga nais magpalinis. Matagal din ang paghihintay para matapos malinisan ang sasakyan. Pero sulit naman ang paghihintay! Maliban sa nalinisan ang sasakyan ko, libre pa ang serbisyong ginawa nila.
Nilinis din naman tayo ng Dios mula sa ating mga pagkakasala. Ito ang Magandang Balita ng kaligtasan. Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo, mayroong kapatawaran ang mga kasalanan natin. Nais nating luminis tayo mula sa dungis na dulot ng mga mali nating gawi. Sa Biblia rin, nais ni David na maging malinis siya mula sa kanyang pagkakasala (TINGNAN ANG 2 SAMUEL 12). Nanalangin siya: “Linisin at hugasan N’yo ako sa aking mga kasalanan upang lubusang luminis ang puso’t kaluluwa ko” (TAL. 7).
Handa ang Dios na linisin at patawarin tayo mula sa ating mga pagkakasala. Nais Niyang lumapit tayo kay Jesus at ihayag ang pagkakamali natin. “Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya” (1 JUAN 1:9).