May malalim na layunin si William Pinkney nang maglayag siya para lakbayin ang buong mundo noong 1992. Nais niyang turuan at bigyang halimbawa ang mga bata upang maging masikap at matatag. Nais ni Pinkney na mamulat ang mga bata na may mabuting bunga ang pagsisikap at pag-aaral nang mabuti. Pinangalanan niya ang bangka niya ng Commitment. Layunin niyang matutunan ng mga bata ang lahat ng mahahalagang mga bagay para maging matagumpay.

Sumasalamin ang layunin ni Pinkney sa sinabi ni Solomon. “Ang isipan ng tao ay tulad sa malalim na balon ngunit mauunawaan ito ng taong marunong” (KAWIKAAN 20:5). Nais ni Solomon na maging matalino ang mga tao sa mga layunin nila sa buhay. Kung hindi sila magiging masikap sa buhay nila, “baka magsisi sila sa bandang huli” (TAL. 25).

Malinaw ang layunin ni Pinkney at nagbigay inspirasyon ito sa maraming bata sa Amerika. Kinilala rin si Pinkey bilang kauna- unahang Aprikanong-Amerikano na napasama sa National Sailing Hall of Fame. Ayon sa kanya, “maraming tao ang nakatingin sa atin.” Nararapat na maging mabuting halimbawa tayo ng pagsisikap at katatagan. Tutulungan tayo ng Dios kung mabuti rin ang ating mga layunin.