Pinangunahan ng pastor na si Christian Führer ang isang pagtitipon para sa pananalangin sa St. Nicholas Church. Sa loob ng ilang taon, kakaunti lamang ang dumadalo para ipanalangin ang pagwawakas ng kalupitan sa bansang Germany. Lumipas ang maraming taon, napakarami nang mga tao ang dumadalo para manalangin. Noong Oktubre 9, 1989, pitumpong libong mga tao ang nagsama-sama para tahimik na magprotesta at manalangin nang taimtim. Ipinanalangin nila na matapos na ang kaguluhan sa bansa. Makalipas ang isang buwan, nabuwag ang Berlin Wall. Nagbunga ng pagbabago sa gobyerno ang taimtim nilang pananalangin.

Nararapat din naman tayong tumawag at manalangin sa Dios nang taimtim. Maraming bagay ang maaaring magbago bunga ng panalangin. Tulad ng Israel na buong pusong tumawag sa Panginoon, inaanyayahan din tayo ng Dios na ilapit sa Kanya ang ating mga suliranin (SALMO 107:28). Nagkakaloob ang Dios ng kapayapaan at pag-asa sa tuwing lumalapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga taimtim na dalangin (TAL. 29, 35).

Tunay na makapangyarihan ang Dios dahil kaya Niyang baguhin ang lahat ng bagay. Nais ng Panginoon na masaksihan natin ang kapangyarihan Niya sa pamamagitan ng pananalangin.