Nag-aayos kami para sa isang pagtitipon sa aming simbahan. Nagtutulungan kaming lahat para magkabit ng mga dekorasyon. Sinita ako ng namumuno dahil mali ang nagawa ko. Agad akong nilapitan ng kasamahan ko. “Huwag mo siyang pansinin. Habaan mo lang ang pasensya mo sa kanya.”
Naisip kong maraming tao ang dapat kong paglaanan ng mahabang pasensya. Makalipas ang ilang taon, pumanaw ang babaeng nanita sa akin. Ibinahagi ng pastor namin kung gaano siya kasipag sa paglilingkod para sa gawain ng Dios. Humingi ako ng tawad sa Dios dahil hinusgahan ko siya; kahit ako ay kailangan ding pagpasensiyahan.
Sa Biblia naman, sinabi ni Apostol Pablo na lahat tayo ay nagkasala at dapat maparusahan (TAL. 3) Pero dahil sa pag-ibig ng Dios, iniligtas tayo ni Jesus sa mga kasalanan natin. Hindi tayo nararapat para sa kapatawarang ito. Kaya hindi tayo dapat magmalaki (TAL. 9).
Makasalanan tayong lahat. Pero pinagkaloob ng Dios ang Banal na Espiritu para baguhin tayo. Nais ng Dios na maging tulad tayo ni Cristo. Nararapat ding magpakita tayo ng pagmamahal at pang-unawa sa bawat isa. Salamat sa dakilang pag-ibig ng Dios para sa atin (2 CORINTO 12:9).