Nagkaroon ng isang hindi malilimutang karanasan ang manunulat na si Scot McKnight. Ibinahagi niya ang karanasan niya. “Binigyan kami ng tagapagsalita ng isang hamon habang nasa isang pagtitipon kami. Sabi niya, nararapat na ilagak namin ang mga buhay namin sa Dios at babaguhin Niya kami. Noong araw na iyon, nanalangin ako sa Dios. ‘Amang Dios, patawarin Mo po ako sa mga kasalanan ko. Baguhin Mo po ako. Puspusin Mo po ako ng Banal na Espiritu.’ At binago ng Dios ang buhay ko.” Dahil dito, nagkaroon ng pagpapahalaga si McKnight sa pagbabasa ng Salita ng Dios, pananalangin, pagsama sa mga kapwa nagtitiwala kay Jesus, at paglilingkod sa Kanya.
Nais din naman ng Dios na magkaroon ng pagbabago sa mga buhay natin. Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi Niya sa mga kaibigan Niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang Banal na Espiritu na ipinangako ng Dios Ama” (GAWA 1:4). Ang Espiritu Santo ang tutulong sa kanila “para ibahagi si Cristo sa Jerusalem, hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo” (TAL. 8). Ipinagkaloob ng Dios ang Banal na Espiritu sa lahat ng taong nagtitiwala sa Kanya. Binabago ng Banal na Espiritu ang buhay natin.
Ang Banal na Espiritu ang tutulong sa atin para magkaroon ng magagandang bunga at pagbabago sa buhay natin (GALACIA 5:22-23). Patuloy tayong magpasalamat sa Dios sa kaloob Niyang ito.