Nakatanggap ng prestihiyosong parangal na Maundy Money noong 2021 si Malcom Cloutt. Ibinibigay ito ni Queen Elizabeth II sa mga taong may mabuting naiambag sa lipunan. Pinarangalan si Cloutt dahil nakapagbigay siya ng isang libong Biblia sa buong buhay niya. Inililista ni Cloutt ang mga taong nabahaginan niya ng Biblia. Taimtim niya ring ipinapanalangin ang mga ito.

Maihahalintulad ang katapatan ni Cloutt sa ginawa ni Pablo para sa mga taong malalapit sa buhay niya. Binanggit ni Pablo sa mga sulat niya na palagi niyang ipinapanalangin ang mga ito. Sinabi ni Pablo sa sulat niya sa kaibigan niyang si Filemon na, “Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita” (FILEMON 1:4). Ganoon din ang nabanggit niya sa sulat niya kay Timoteo, “Nagpapasalamat ako sa Kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi” (2 TIMOTEO 1:3). Sinulatan din ni Pablo ang mga taga-Roma at sinabi na palagi niyang ipinapanalangin ang mga ito (ROMA 1:9-10).

Isang magandang katangian ang palaging pananalangin. Dinidinig ng Dios ang mga panalangin natin. Maraming tao at bagay ang nararapat nating ipanalangin at ilapit sa Dios. Isang paraan ng pagmamahal sa kapwa natin ang palagi silang isama sa mga panalangin natin.