Nagtatrabaho ang kaibigan kong si Mick sa isang ospital sa loob ng barko. Nagbibigay sila dito ng libreng serbisyong medikal sa mga taong kapuspalad. Napakaraming mga pasyente ang natutulungan nila araw-araw. Kung minsan, may mga dumadalaw sa barko para makapanayam ang mga nagtatrabaho at pasyente doon. Bumababa sila sa ilalim ng barko para makausap ang mga tripulante. Pero madalas, hindi napapansin ang trabaho ng mga tulad ni Mick doon.

Si Mick ay isang inhinyerong nangangasiwa sa mga basura mula sa ospital. Napakaraming basura ang nalilikom nila. Kung hindi magiging maayos ang pagtatrabaho nina Mick, hindi magtutuloy- tuloy ang panggagamot sa ospital. Mahalaga ang trabaho niya.

Agad nating nabibigyang pansin ang mga taong nangunguna sa paglilingkod sa Dios. Kung minsan, hindi natin napapansing may mahalaga ring naitutulong ang iba para sa paglilingkod sa Dios. Sa Biblia, pinaalalahanan ni Pablo na mahalaga ang bawat isa para sa gawain ng Dos (1 CORINTO 12:7-20). Importante ang kaloob ng bawat isa para sa paglago ng gawain para kay Cristo (TAL. 27-31). Malaki ang gantimpala ng Dios para sa mga hindi napapansin ang gawain para sa Kanya (TAL. 22-24).

Tingin mo ba hindi ka mahalaga sa gawain ng Dios? Mahalaga ka! Hindi malilimutan ng Panginoon ang iyong gawain. Siya ang magbibigay sa iyo ng gantimpala.