Nabuhay si Robert Todd Lincoln sa ilalim ng anino ng ama niyang si Abraham Lincoln, ang pinakamamahal na presidente ng Amerika. Kahit pa matagal nang pumanaw ang ama, nilamon pa rin ang pagkakakilanlan ni Robert ng kasikatan ng ama. Sabi ni Nicholas Murray Butler, kaibigan ni Robert, madalas daw sabihin ni Robert, “‘Di nila ako gusto bilang kalihim pandigma; gusto nila ang anak ni Abraham Lincoln. ‘Di nila ako gusto bilang kalihim ng England; gusto nila ang anak ni Abraham Lincoln. ‘Di nila ako gusto bilang presidente ng Pullman Company; gusto nila ang anak ni Abraham Lincoln.”
‘Di lang anak ng sikat na tao ang nakararanas ng ganyan. ‘Di nga ba lahat tayo naranasan nang ‘di pahalagahan ng iba? BUti na lang makikita natin ang tunay nating halaga sa pag-ibig ng Dios sa atin.
Kinilala ni Apostol Pablo kung sino tayo noon dahil sa kasalanan natin, at kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo. Sinulat niya, “Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan” (ROMA 5:6). Iniibig tayo ng Dios dahil sa kung sino tayo—kahit na ang pinakamasahol natin! Dinagdag pa ng Apostol na namatay si Cristo para sa atin “noong tayo’y makasalanan pa” (TAL. 8). Ganoon tayo kahalaga sa Dios na pinahintulutan Niyang magdusa ang Anak Niya sa krus para sa kapakanan natin.
Sino nga ba tayo? Mga pinakamamahal na anak ng Dios. May mahihiling pa ba tayo?