Month: Setyembre 2025

GAANO MAN KALIIT

Kung mga pelikula sa Hollywood ang pagbabatayan natin, magarbo ang mga secret agent at nagmamaneho sila ng mga mamahaling sasakyan. Pero ayon kay Jonna Mendez, isang dating pinuno ng Central Intelligence Agency (CIA), kabaligtaran noon ang tunay na buhay ng isang secret agent. Dapat kasi, simple lang sila, hindi pansinin, at madaling makalimutan.

Sa Biblia, nag-espiya ang dalawang taga-Israel sa Jerico. At…

PUSONG MAPAGBIGAY

Sa huling araw namin sa Wisconsin, isinama ng kaibigan ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Kinslee para makapagpaalam. “Ayaw kong umalis kayo,” sabi ni Kinslee. Niyakap ko siya at ibinigay ang isang pamaypay ko. “Sa tuwing mami-miss mo ako, gamitin mo ito at tandaan mong mahal kita.” Tinanong niya kung puwedeng iyong mas simpleng pamaypay na lang…

ALAGAAN ANG HALAMANAN

Noong magtanim ako ng mga prutas at gulay sa bakuran namin, may mga napansin akong kakaiba. Una, may maliliit na butas sa lupa. Tapos, biglang nawala ang unang bunga namin bago pa ito mahinog. Isang araw, nakita ko na lang na nabunot ang pinakamalaking tanim namin na strawberry. Kuneho pala ang salarin. Naisip ko, sana pala umaksyon na ako noong…

TINATAWAG SA PANGALAN

Nagpunta sa ibang bansa si Natalia dahil pinangakuan siya na makakapag-aral siya doon. Pero inabuso at pinagsamantalahan siya sa tahanang kumupkop sa kanya. Sapilitan siyang pinag-alaga ng mga bata nang walang bayad. Bawal din siyang lumabas ng bahay o gumamit ng telepono. Ginawang alipin doon si Natalia.

Naranasan din ni Hagar na maging alipin. Ni hindi siya tinawag sa pangalan…

IBANG PAG-IYAK

Hindi lang pagkapagod o pagkagutom ang ibig sabihin ng pag-iyak ng isang sanggol. Ayon sa mga doktor sa Brown University, maaaring gamiting indikasyon ng komplikasyon ang ilang mga pagbabago sa pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Meron silang computer program na sumusukat sa tinis, lakas, at linaw ng iyak ng sanggol. Batay dito, maaari nilang malaman kung may problema sa…