"Hindi ako kilala, ikaw ba?" Ganyan ang simula ng tula ni Emily Dickinson. Nilalabanan ng tula niya ang pagsusumikap ng tao para maging kilala. Ipinapakita rin nito ang saya at kalayaang dulot ng pagiging simple at ordinaryo. Maaaring sabihing nauunawaan ni Apostol Pablo ang pagtalikod sa kasikatan. Marami kasi siyang maipagmamalaki “kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan” (FILIPOS 3:4). Puwedeng sabihing may dahilan si Pablo upang umasa siya sa sarili niyang lakas.
Pero nang makilala niya si Jesus, nakita niya ang kahungkagan ng lahat ng mga itinuring niyang merito. Sa kaniyang sariling salita, “ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Itinuring ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo” (TAL. 8). Wala na siyang ibang nais kundi ang “makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya” (TAL. 10).
Tama si Dickinson. Walang saya sa pagiging kilala. Kung hahanapin natin si Jesus at isusuko natin ang sarili natin sa Kanya, masusumpungan nating muli ang sarili natin. Masusumpungan natin ang totoong kabuluhan ng buhay.