“Gaya ng bulag na nakakita sa Biblia, ‘Dati akong bulag, pero nakakakita na ako ngayon.’” Iyan ang sinabi ni Dieynaba matapos niyang matutong magbasa. Dagdag pa niya,

“Ngayon, nauunawaan ko na ang ginawa ni Jesus para sa akin, pati na rin ang mga utos Niya.” Ayon sa pastor nila, maganda raw na natutong magbasa ang mga miyembro ng simbahan nila. Dahil kaya na nilang basahin sa sarili nila ang Salita ng Dios, nagkaroon sila ng mas malalim na kaunawaan nito.

Nakapagbibigay liwanag at buhay ang Salita ng Dios. Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, sinabi ng Dios sa mga Israelita na lumapit at tumawag sila sa Kanya (ISAIAS 55:6) dahil Siya ang Dios na nagpapahayag, nagpapatawad, at nagbibigay awa (TAL. 7). Tiniyak din Niyang hindi mawawalan ng kabuluhan ang Kanyang mga salita. Tulad ng ulan at niyebe na hindi bumabalik sa itaas “hangga’t hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa,” isasakatuparan ng Kanyang salita ang ninanais Niya (TAL. 10-11).

Kung bubulayin natin ang Biblia, maaari rin nating maranasan ang kaliwanagang naranasan nina Dieynaba. “Buhay at mabisa ang Salita ng Dios...tumatagos ito hanggang kaluluwa’t espiritu” (HEBREO 4:12). Kaya magtiwala tayong hindi mawawalan ng saysay ang Salita ng Dios sa atin. Magkakaroon ito ng kaganapan sa ating mga buhay.