Hindi lang pagkapagod o pagkagutom ang ibig sabihin ng pag-iyak ng isang sanggol. Ayon sa mga doktor sa Brown University, maaaring gamiting indikasyon ng komplikasyon ang ilang mga pagbabago sa pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Meron silang computer program na sumusukat sa tinis, lakas, at linaw ng iyak ng sanggol. Batay dito, maaari nilang malaman kung may problema sa central nervous system ang sanggol.

Ipinahayag ng propetang si Isaias na naririnig ng Dios ang pag- iyak ng Kanyang bayan. Sinabi rin sa kanila ni Isaias na matutukoy ng Dios ang kondisyon ng kanilang puso at na tutugon Siya sa kanila nang may habag. Ngunit hindi dininig ng mga taga-Juda si Isaias. Sa halip na lumapit sa Dios, nakipagkasundo sila sa Egipto (ISAIAS 30:1-7). Dahil dito, sinabi ng Dios na kung magpapatuloy sila sa kanilang pagsusuwail, mabibigo at mapapahiya sila. Sa kabila nito, sinabi ng Dios na “nakahanda siyang ipadama sa [kanila] ang kanyang pagmamalasakit” (TAL. 18). Ililigtas Niya sila kung lalapit sila nang may pagtangis at pagsisisi. Kung iiyak sila sa Dios, nakahanda ang pagpapatawad at pagpapanibagong sigla Niya para sa kanila (TAL. 8-26).

Gayundin ang pangako ng Dios para sa atin. Kapag narinig Niya ang pag-iyak natin na may kasamang pagsisisi at pagtitiwala, diringgin at patatawarin Niya tayo. Bibigyan Niya rin tayo ng bagong galak at pag-asa.