Sa loob ng tatlong taon, araw-araw nagsusuot ng iba’t ibang costume at maskara si Colleen sa pagsalubong sa mga anak na bumababa ng school bus. Natutuwa ang lahat ng nasa bus, pati drayber: “Napapasaya niya ang mga pasahero ko. Ang galing!” Sang-ayon diyan ang mga anak ni Colleen.
Nagsimula ito noong kumupkop ng mga bata si Colleen bilang isang foster parent. Alam niya gaano kahirap para sa mga bata ang mawalay sa magulang at pumasok sa bagong paaralan. Kaya nagsuot siya ng costume para pasayahin sila. Paglipas ng tatlong araw, ayaw na ng mga batang tumigil si Colleen. Kaya ipinagpatuloy niya ito. Gumugol siya ng oras at pera, pero tulad ng sabi ng reporter na si Meredith TerHaar, “walang kapantay ang kasiyahang resulta nito.”
Pinatotohanan nito ang isang talata sa aklat na naglalaman ng mga payo ni Haring Solomon sa anak niya, “Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan” (KAWIKAAN 17:22). Sa paghahatid ni Colleen ng saya sa mga bata (sariling anak man niya o hindi), natulungan niya silang labanan ang lungkot.
Ang Dios, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang pinagmumulan ng tunay at wagas na kaligayahan (LUCAS 10:21, GALACIA 5:22). Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na ibahagi ang liwanag ng Dios habang nagbibigay tayo ng kagalakan sa iba. At sa pamamagitan ng kagalakang ito, nakapagbibigay tayo ng pag-asa at lakas sa mga humaharap sa pagsubok ng buhay.
