Isa ako sa mga namumuno sa gawain namin. Bahagi ng tungkulin ko ang mag-anyaya ng iba para maging lider ng mga pang- grupong talakayan. Iniisa-isa ko sa kanila ang oras na gugugulin nila at ang mga paraan para sa pakikisalamuha at pag-aalaga sa mga miyembro. Madalas, nahihiya ako sa kanila dahil alam ko ang sakripisyong kailangan para maglingkod bilang lider. Pero kadalasan, nagugulat ako sa tugon nila: “Karangalan ko ang maglingkod.” Sa halip na dahilan para tumanggi, pasasalamat sa kabutihan ng Dios ang madalas kong naririnig. Ito ang dahilan kung bakit gusto rin nilang maglingkod.

Tulad din nito ang tugon ni Haring David nang dumating ang panahon para magbigay ng panustos para sa pagpapatayo ng templo para sa Dios: “Pero sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito?” (1 CRONICA 29:14). Naging bukas-palad si David dahil puno siya ng pasasalamat sa kabutihan ng Dios sa kanya at sa mga Israelita. Makikita rin sa tugon ni David ang kanyang kababaang- loob at pagkilala sa kabutihan ng Dios sa mga dayuhan (TAL. 15).

Ipinapakita natin ang pasasalamat natin sa Dios kapag nag- lilingkod tayo sa Kanya gamit ang ating oras, kakayahan, o yaman. Siya rin naman ang nagbigay sa atin ng mga ito. Galing sa Kanya ang lahat ng mayroon tayo (TAL. 14). At bilang tugon, maaari tayong makapagbigay nang may pasasalamat.