
PUSONG MAPAGBIGAY
Isa sa masasayang tradisyon tuwing Pasko ang bigayan ng mga regalo. Madalas may nag-iikot pang Santa Claus na nagreregalo sa mga bata. Ayon sa tradisyon, hango ang karakter na Santa Claus sa buhay ni Nikolas, isang lingkod ng Dios sa Turkey noong ikaapat na siglo. Bata pa siya nang mamatay ang kanyang mga magulang kaya’t kinupkop siya ng tiyuhin niya, na siyang…

PAMPALAKAS NG LOOB
Ilang taon na ang nakalipas mula nang bumisita ang pamilya namin sa Four Corners, ang tanging lugar sa Amerika kung saan nagtatagpo ang apat na estado sa isang lugar. Tumayo ang aking asawa sa bahagi ng Arizona. Tumalon naman ang panganay naming anak na si A.J. sa Utah. Ang bunso naming si Xavier, hawak ang aking kamay, ay lumakad papuntang…

DILIM AT LIWANAG
Nang matuklasan ni Elaine na mayroon siyang malubhang kanser, alam na nila ng asawa niyang si Chuck na hindi na magtatagal bago makapiling ni Elaine si Jesus. Pinanghawakan nilang mag-asawa ang pangako sa Salmo 23 na sasamahan sila ng Dios habang naglalakbay sila sa pinakamalalim at pinakamahirap na lambak sa kanilang limampu’t apat na taong pagsasama. Nagkaroon sila ng pag-asa…

PAGSUKO KAY JESUS
Noong 1951, pinayuhan ng doktor si Joseph Stalin na bawasan ang trabaho upang mapangalagaan ang kanyang kalusugan. Ngunit tinuligsa ng pinuno ng Soviet Union ang doktor. Inakusahan niya ito bilang espiya at ipinakulong. Bilang isang malupit na lider, ginamit ni Stalin ang kasinungalingan upang pahirapan ang marami. Kaya naman hindi niya kinayang tanggapin ang katotohanan. Inalis niya ang taong nagsabi…

PARA SA LAHAT
Dumating si Dan Gill, siyam na taong gulang, kasama ang matalik niyang kaibigang si Archie sa kaarawan ng kaklase nila. Ngunit nang makita ng ina ng may kaarawan si Archie, hindi niya ito pinapasok. “Walang sapat na upuan,” ang sabi niya. Nag-alok si Dan na siya na lang ang uupo sa sahig para may lugar si Archie, na may lahing…