TUMAWAG SA DIOS
Sa aklat na Adopted for Life, ikinuwento ni Dr. Russell Moore ang karanasan ng kanilang pamilya nang bumisita sila sa isang ampunan upang mag-ampon ng bata. Pagpasok nila sa silid, agad nilang napansin ang katahimikan. Walang umiiyak na sanggol sa mga kuna. Hindi dahil wala silang pangangailangan, kundi dahil natutunan na nilang walang darating para tumugon at magmalasakit sa kanila.…
PAGPROTEKTA NG DIOS
Isang gabi ng tag-init, biglang nag-ingay ang mga ibon malapit sa aming bahay. Habang lumalalim ang gabi, lalong tumindi ang kanilang ingay. Napagtanto namin ang dahilan. May isa palang malaking lawin ang biglang lumipad pababa mula sa tuktok ng puno. Nagkagulo ang mga ibon at humuni nang malakas upang magbigay babala.
Sa ating espirituwal na buhay naman, maraming babala ang…
PAGHUHUGAS NG PAA... AT PLATO
Sa ika-limampung anibersaryo ng kasal nina Charley at Jan, nag-almusal sila kasama ang kanilang anak na si Jon sa isang café. Noong araw na iyon, kapos sa tauhan ang café. Tatlo lang sila: ang manager, ang kusinero, at isang dalagitang mag- isang kumukuha ng order, nagdadala ng pagkain, at naglilinis ng mesa. Nang patapos nang kumain sina Charley, tinanong niya…
PILIING SUMUNOD SA DIOS
Ayon sa pahayagang Daily Mirror, mahigit 773,618 na desisyon ang ginagawa ng isang tao sa buong buhay niya. Ayon pa sa kanila, “143,262 sa mga ito ang pinagsisisihan natin.” Hindi ko alam kung paano nila nabilang ang mga iyon. Pero sigurado akong napakarami nating kailangang pagdesisyonan. Kung iisipin natin ito, maaari tayong manghina o matakot, lalo na dahil may kaakibat…
MATUTO SA PAGKAKAMALI
Itinatag ang Library of Mistakes (Aklatan ng mga Pagkakamali) sa lugar ng Edinburgh sa bansang Scotland. Layunin nitong maiwasan ang mga pagkakamaling pinansyal na naganap noong 1929 at 2008, na parehong nagdulot ng pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya. Naglalaman ito ng mahigit dalawang libong aklat na makakatulong sa susunod na henerasyon ng mga ekonomista. Ayon din sa mga tagapangalaga ng aklatan, isa…
MAGLINGKOD SA IBA
Sumikat ang aktres na si Nichelle Nichols sa kanyang pagganap bilang Lieutenant Uhura sa orihinal na Star Trek series. Bilang isa sa mga kauna-unahang babaeng African American na naging bahagi ng isang malaking palabas sa telebisyon, malaking tagumpay ito para kay Nichols. Ngunit higit pa roon ang naging bunga ng kanyang tagumpay.
Matapos ang unang season ng Star Trek, nagbitiw…
PANINGING NAKATUON SA DIOS
Minsan, nagkuwento ang pastor na si Thomas Chalmers tungkol sa isang karanasan niya habang nakasakay sa karwaheng hila ng kabayo. Dumaan sila sa gilid ng bundok. Makitid ito at may matarik na bangin sa tabi. Biglang nataranta ang isa sa mga kabayo, at sa takot ng kutsero na mahulog sila, paulit-ulit niyang nilatigo ang kabayo. Nang makalampas na sila sa…
MAGTIIS AT MAGPATULOY
Noong nag-aaral pa ako sa seminaryo ilang taon na ang nakalipas, mayroon kaming lingguhang chapel service. Sa isang pagtitipon, habang umaawit kami ng “Dakila ang Dios,” napansin ko ang tatlo sa aming minamahal na propesor na taimtim ding umaawit. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang kagalakang dulot ng kanilang matibay na pananampalataya sa Dios. Makalipas ang ilang taon, humarap ang…
MANGGAGAWA NG DIOS
Nakatanggap si Reza ng isang Biblia sa isang kampo ng mga refugee, kung saan sumisilong ang mga biktima ng digmaan. Doon niya nakilala at pinagtiwalaan si Jesus. Ang una niyang dalangin sa Dios ay, “Gamitin Mo po ako bilang Iyong lingkod.” Makalipas ang ilang panahon matapos siyang makaalis sa kampo, sinagot ng Dios ang kanyang panalangin. Hindi ito inaasahan ni…
SIMPLENG KAHILINGAN
“Linisin mo ang kuwarto ninyo bago ka matulog,” sabi ko sa isa sa mga anak ko. Agad ang sagot niya, “Bakit hindi siya ang utusan mo?”
Karaniwan na ang ganitong kaunting pagtutol sa aming bahay noong bata pa ang mga anak naming babae. Iisa lagi ang sagot ko: “Huwag mong alalahanin ang mga kapatid mo; ikaw ang inutusan ko.”
Makikita…