Mahilig magbisikleta si Ole Kassow na taga Copenhagen sa bansang Denmark. Isang umaga, nakita niya ang isang matandang lalaking nakaupo sa parke. Bigla siyang nakaisip ng isang ideya. Bakit hindi niya ipasyal ang mga matatanda sa pamamagitan ng bisikleta? Kaya isang araw, dala ang isang inarkilang pedicab, pumunta siya sa isang lugar kung saan inaalagaan ang matatanda. Doon nagsimula ang Cycling Without Age, ang organisasyong itinayo ni Ole para ipasyal ang matatanda.

Pagkatapos ang 20 taon, nakapagsakay si Ole ng 575,000 na matatanda sa halos 2.5 milyong beses na pagbibisikleta. Saan sila nagpupunta? Para bisitahin ang mga kaibigan, kumain ng ice cream, o kaya ay makalanghap ng sariwang hangin. Sabi ng mga naging pasahero ni Ole, mas nakakatulog sila nang mabuti, mas maganang kumain, at nabawasan ang kanilang kalungkutan.

Isinasabuhay ng pangyayaring iyon ang sinabi ng Dios sa Isaias 58:10-11 na tumulong sa mga nangangailangan. Kapag ginawa nila ito, pangako ng Dios na “darating sa [kanila] ang kaligtasan... Palagi [silang] papatnubayan at bubusugin... Palalakasin [sila ng Dios] at magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.”

Ang sabi pa ng Dios, muling itatayo ng mga lahi nila ang mga lungsod nilang nawasak (TAL. 12). Ano kaya ang maaaring gawin ng Dios sa pamamagitan natin? Habang tinutulungan Niya tayo, lagi rin sana tayong handa upang tumulong sa iba.