Sa Amerika, ilang dekada nang nangunguna ang McDonald’s dahil sa kanilang Quarter Pounder Burger. Noong dekada 1980, nag-isip ang kalaban nila, ang A&W, na talunin sila. Ginawa nila ang Third Pound Burger. Mas malaki ito kaysa sa McDonald’s. Pero ibinenta nila ito sa parehong presyo. Mas nasarapan sa burger ng A&W ang mga nakatikim nito. Pero hindi ito naging mabili. Kinalaunan, hininto na nila ang pagbebenta nito. Ayon sa pag-aaral, hindi naintindihan ng mga tao ang pangalan nito. Ang akala kasi ng mga tao, mas maliit ito kaysa sa Quarter Pounder. Nabigo ang maganda sanang plano dahil hindi nakuha ng mga tao ang simple ngunit pangunahing ideya.

Nagpaalala si Jesus kung gaano kadaling mabalewala ang mga simpleng bagay. Sa Mateo 22:23-28, tinanong Siya ng mga lider ng relihiyon ng isang kakaibang tanong tungkol sa isang babaeng pitong beses nabyuda. Ang sagot ni Jesus sa kanila, hindi iyon problema. Ang problema ay “hindi [nila] nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Dios” (TAL. 29). Isinulat ang Kasulatan para tulungan tayong makilala at mahalin si Jesus, “sa pamamagitan nito’y magkakaroon [tayo] ng buhay na walang hanggan” (JUAN 5:39). Hindi lamang ito para sagutin ang ano mang tanong. Simpleng bagay, pero hindi ito naunawaan ng mga relihiyosong iyon.

Nababalewala rin natin ang mga simpleng bagay. Ang pangu- nahing layunin ng Biblia ay makilala natin si Jesus. Napakalungkot kung sa pagbabasa natin ng Biblia, hindi mangyayari iyon.