Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

SA GITNA NG KAKULANGAN

Ang pagtitipid ni Tiya Margaret ay isang alamat. Pagkatapos niyang pumanaw, malungkot na isinaayos ng kanyang mga pamangkin ang kanyang mga gamit. Maayos na nakasalansan sa loob ng isang maliit na plastik na bag ang iba’t ibang piraso ng tali. May nakasulat doon: “Mga taling sobrang ikli para magamit.”

Ano kaya ang nagtulak sa isang tao na itago at ayusin…

PAGHARAP SA PAGSUBOK

Isang makata at manunulat si Christina Rossetti. Humarap siya sa ng maraming pagsubok sa buhay. Nakaranas siya ng depression at iba’t ibang karamdaman. Nakaranas din siya ng mga nasirang relasyon. Sa huli, pumanaw siya dahil sa kanser.

Nang pumasok si David sa kamalayan ng mga tao sa Israel, isa na siyang matagumpay na mandirigma. Ngunit sa buong buhay niya, nakaranas si…

AYON SA PLANO NG DIOS

Natagpuan sa mga hagdan ng isang simbahan ang isang bata. Samantala, may isang bata pa ang pinalaki ng mga madre. Sila sina Halina at Krystyna. Ipinanganak sila sa Poland noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at sa loob ng halos walong dekada, hindi nila kilala ang isa’t isa. Ngunit nang lumabas ang resulta ng DNA test, natuklasan nilang magkapatid sila. Nalaman din…

HUWAG MAKIISA

Sa lumang pelikulang 12 Angry Men, sinabi ng isang hukom ang mga katagang ito: “May isang namatay. May isa pang buhay ang nakasalalay sa akin.” Kuwento ito ng isang binatang napagbintangang pumatay. Maraming ebidensya ang nagtuturo sa kanya. Ngunit habang umuusad ang kaso, nagkaroon ng pagtatalo dahil isa sa labindalawa ang bumoto ng “hindi nagkasala.” Marami kasi siyang nakitang pagkakamali…

PROBLEMA NG PUSO

Tuwing Martes ng gabi, pumupunta si Pastor Sam sa liblib na lugar upang ibahagi ang Salita ng Dios sa isang malayong nayon. May dios-diosan ang mga tao roon.

Sa aklat naman ni Ezekiel, makikita natin kung paano laganap ang pagsamba sa dios-diosan sa mga taga Juda. Nang dumalaw ang mga pinuno ng Jerusalem sa propetang si Ezekiel, sinabi ng Dios…