AWA AT PAGBABAGO
Nakakasindak ang krimen, at nahatulan ang kriminal na makulong habambuhay. Sa paglipas ng mga taon, habang mag-isa sa bartolina, nagsimulang maghilom ang pag-iisip at espiritu niya. Pinagsisihan niya ang mga kasalanan niya at nagkaroon siya ng relasyon kay Jesus. Kinalaunan, pinayagan siyang makasalamuha ang mga kapwa preso. Sa awa ng Dios at sa pagbabahagi niya, naintindihan ng ibang bilanggo ang…
OPERASYONG MAY PANALANGIN
Noong nangailangan ng operasyon sa buto ang anak ko, ipinagpasalamat ko ang doktor na nag-opera sa kanya. Malapit nang magretiro ang doktor na ito at libu-libong tao na ang natulungan niya na pareho ang kondisyon gaya ng sa anak ko. Kahit pa ganoon na ang karanasan niya, nanalangin pa rin siya at hiniling sa Dios na bigyan ng magandang resulta…
MGA PAGOD NA TOLDA
“Pagod na ang tolda!” Iyan ang sabi ng kaibigan kong si Paul na nagpapastor ng isang simbahan sa Nairobi, Kenya. Simula 2015, ginaganap ang pagtitipon nila sa isang tolda. Ngayon, sabi ni Paul, “Sira-sira na ang tolda at tumutulo kapag umuulan.”
Hindi ba parang hawig ang sinabi niya tungkol sa tolda nila sa sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa buhay…
BUTO NG PANANAMPALATAYA
Kamakailan, bumagyo sa amin. Malakas ang hangin pero kaunti lang ang ulan. Hinangin ang mga buto mula sa puno ng maple at nalaglag sa lupa. Hindi namin ito alam, kaya nagbungkal kami ng lupa kinabukasan. Hindi sinasadyang natanim ang napakaraming buto ng puno ng maple. Pagkalipas ng dalawang linggo, nagsimulang tumubo ang mga puno ng maple sa bakuran namin.
Hindi man ako…
BUHAY NA WALANG HANGGAN
“Huwag kang matakot sa kamatayan, Winnie. Matakot ka sa nasayang na buhay.” Linya iyan ni Angus Tuck sa isinapelikulang librong Tuck Everlasting. Sa kuwento, naging imortal ang pamilya Tuck kaya hindi sila namamatay. Mahal ng batang si Jesse Tuck si Winnie kaya nagmakaawa siyang subukan din ni Winnie na maging imortal para walang hanggan silang magsasama. Pero alam ni Angus…
KATOTOHANAN
Idineklara ng isang pahayagang pinatay ni Pep ang pusang pagmamay-ari ng asawa ng gobernador. Pero hindi siya ang gumawa nito. Dahil ang tanging ginawa niya ay ngatngatin ang sofa sa mansyon ng gobernador.
Isang masiglang aso si Pep. Pag-aari siya ng gobernador ng Pennsylvania sa Amerika na si Gifford Pinchot noong 1920. Ipinadala si Pep sa kulungan. Kinuhaan pa siya ng…
LAGING MAPAGKAKATIWALAAN
Mapag-alala ako. Kaya naman idinikit ko sa salamin ng aming banyo ang sinabi ni Hudson Taylor, isang mangangaral ng Biblia. Binabasa ko ito kapag nag-aalala ako, “Mayroong isang buhay na Dios. Nagsalita Siya sa Biblia. Seryoso Siya sa Kanyang mga sinabi at tutuparin NIya ang lahat ng Kanyang ipinangako.”
Nagmula ang mga sinabi ni Taylor sa maraming taon ng paglakad…
TUMAWA KA
Sinabi ng komedyanteng si John Branyan, “Hindi namin inimbento ang tawanan; hindi namin iyon ideya. Ibinigay iyon sa atin ng Dios. Alam Niyang kailangan natin ito para makatawid sa buhay. Alam Niyang magkakaroon tayo ng mga pagsubok, alam Niyang magkakaroon tayo ng mga paghihirap. Regalo niya sa atin ang pagtawa.”
Kung mabilis nating iisipin ang mga nilikha ng Dios, mapupuno…
DILIGAN
Tila nilusob ng mga damo ang aming bakuran. Isang damo ang lumaki nang husto, at nang subukan kong bunutin ito, inakala kong masusugatan ko ang sarili ko. Bago pa ako makahanap ng pamutol, napansin kong dinidiligan pala ito ng anak kong babae. “Bakit mo dinidiligan ang mga damo?!” tanong ko. Tumugon ang aking anak, “Gusto ko pong makita ang paglaki…
MATIBAY NA PUNDASYON
Balisa ang batang lider sa isang paaralan. Nang tanungin ko kung nananalangin ba siya para sa gabay at pagtulong ng Dios, at kung ginagawa niya ang payo ni Apostol Pablo na manalangin nang walang patid, nag-alinlangan siya. Sa kanyang sagot, inamin ng binata, “Hindi ako sigurado kung naniniwala pa ako sa panalangin. O kung nakikinig man lang ang Dios. Tingnan…