Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

PAGTANGGAP NG PAGTATAMA

Tinuruan ng kaibigan kong si Michelle ang anak ko kung paano mangabayo. Nang ipakita niya paano rendahan ang kabayo, ipinaliwanag din niya gaano kahalaga ang renda. Ginagamit daw ito para kontrolin ang bilis at direksyon ng kabayo. Doon ko nakita kung gaano kaimportante ang renda kahit maliit lang ito.

Gayundin naman ang dila. Bagama’t maliit ito, malaki ang impluwensiya ng…

DIOS NG MGA SORPRESA

Natatandaan ko pa ang panalangin ng pagtatalagang ginawa namin. Libu-libong estudyante kami noon sa isang convention center. Nang patayuin ang mga handang mag- misyon sa ibang bansa, naramdaman kong tumayo ang kaibigan kong si Lynette. Pero hindi ako tumayo. Hindi ko kasi nadamang tinatawag ako ng Dios sa ganoong misyon. Hayag kasi sa akin ang kalagayan ng bansa ko, at…

PAGPAPALA SA KAPWA

Ilang buwan matapos makunan si Valerie, nagdesisyon siyang ibenta ang mga gamit na para sana sa sanggol niya. Binili naman ng kapitbahay niyang si Gerald ang crib. Pero nang malaman ni Gerald mula sa asawa niya ang kuwento ni Valerie, naisip niyang gawing regalo para kay Valerie ang nabiling crib. Dahil karpintero si Gerald, gumawa siya ng magandang bangko mula…

HINDI AKO KILALA, IKAW BA?

"Hindi ako kilala, ikaw ba?" Ganyan ang simula ng tula ni Emily Dickinson. Nilalabanan ng tula niya ang pagsusumikap ng tao para maging kilala. Ipinapakita rin nito ang saya at kalayaang dulot ng pagiging simple at ordinaryo. Maaaring sabihing nauunawaan ni Apostol Pablo ang pagtalikod sa kasikatan. Marami kasi siyang maipagmamalaki “kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan” (FILIPOS…

“LAHAT AY LABAN SA AKIN!”

“Kaninang umaga lang, akala ko mayaman ako. Ngayon ni hindi ko alam kung mayroon ako kahit isang kusing." Iyan ang sabi ng dating presidente ng Amerika na si Ulysses S. Grant matapos simutin ng katuwang niya sa negosyo ang ipon niya. Ilang buwan lang matapos ito, nalaman niyang may kanser siya. Sa pag-aalala para sa kinabukasan ng pamilya niya, tinanggap…

SUKDULANG BIYAYA

Sa dalawampu’t-pitong taon ng pagtatrabaho ni Kevin Ford sa isang fast-food restaurant, hindi siya kailanman lumiban. Dahil dito, nakatanggap siya ng munting regalo bilang pagkilala sa matapat niyang serbisyo. Lubos naman ang pagpapasalamat niya dito, na hinangaan ng mga nakapanood sa video niya. Kaya naman, libu-libo ang nagtulong-tulong para pagpalain siya. Nakalikom sila ng $250,000 para sa kanya. “Parang isang panaginip,…

PINAGPALA

Dahil unti-unti nang hindi kailangang magsuot ng mask paghupa ng pandemya, madalas nakakalimutan kong magbaon nit. Tuloy, namomroblema ako kapag napupunta ako sa lugar na minamandato pa rin ito. Sa isang pagkakataon nga, kinailangan kong halughugin ang kotse ko para maghanap ng mask. Nakakita naman ako ng isa, kaya lang may nakasulat na PINAGPALA dito.

Iniiwasan ko sanang isuot ito. Para…

ISANG MAGANDANG KUWENTO

Makikita sa harapan ng issue ng Life magazine noong Hulyo 12, 1968 ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga bata sa Biafra. Panahon ito ng giyerang sibil sa bansang Nigeria.Lubos na naapektuhan ng larawan ang isang bata at lumapit siya sa isang pastor, “Alam ba ito ng Dios?” Sagot ng pastor, “Alam kong mahirap unawain, pero oo, alam iyan ng Dios.” Sinabi…

KILALANIN ANG DIOS

Nang bumisita ako sa bansang Ireland, napansin kong kahit saang sulok, mayroong palamuti ng halamang shamrock. Tampok ang shamrock sa halos lahat. Mapadamit man, sombrero, o alahas.

Hindi lang simbulo ng Ireland ang shamrock. Ginagamit din ito upang ipaliwanag ang Tatlong Persona ng Dios sa simpleng paraan. Mahirap unawain na mayroong iisang Dios na may Tatlong Persona: Dios Ama, Dios Anak,…

HINDI ALAM ANG DAAN

Siguro hindi ako dapat pumayag na samahang tumakbo si Brian. Nasa ibang bansa ako, at hindi ko alam kung saan o gaano kalayo ang pupuntahan namin. Hindi ko rin alam

kung anong klase ang daan. At isa pa, mabilis tumakbo si Brian. Matatapilok ba ako kung pipilitin ko siyang sabayan? Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magtiwala sa…