Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

HANDA NA

Noong panahon ng COVID-19 pandemic, marami ang namatayan... Tulad ko. Pumanaw ang aking ina sa edad na 95 noong Nobyembre 27, 2020. Hindi man COVID-19 ang ikinamatay niya, pero dahil bawal ang malakihang pagtitipon-tipon, hindi namin siya lubusang naipagluksa. Hindi nakapagsama-sama ang aming pamilya para parangalan si Nanay. Wala ring nakapunta para makiramay. Gayunpaman, nagkaroon kami ng kapayapaan sa laging…

TUNAY NA PAGKILALA

Lumaki si Brett kasa-kasama ang mga taong nagtitiwala kay Jesus—sa bahay, sa paaralan, at sa simbahan. Kaya hindi nakakagulat nang magdesisyon siyang pumasok sa isang Christian college upang magpakadalubhasa sa Biblia at kumuha ng kursong may kinalaman sa Christian work.

Subalit may bumago sa buhay ni Brett noong dalawampu’t isang taong gulang siya. Nakapakinig siya ng isang katuruang hango sa 1…

NAKIKITA NA KITA

Unang beses pa lang magsasalamin ang tatlong taong gulang na si Andreas. Kaya naman nang ipasukat sa kanya ng doktor ang bagong pares ng salamin, laking tuwa niya. Nakakakita na siya! May ngiti sa mga labi at luha sa mga mata, niyakap niya ang kanyang ama, sabay sabing, “Tatay, nakikita na kita!”

Marahil nasasabi rin natin ito sa tuwing nagbabasa…

KAHANGA-HANGANG GAWA

Isang grupo ng mga mananaliksik ang nakaimbento ng kakaibang drone (isang uri ng makinang pinalilipad). Ginaya kasi ang mekanismo ng drone sa pakpak ng swift, isang uri ng ibon. Kilala ang ibong swift sa husay nitong lumipad. Kaya nitong liparin ang distansyang hanggang 145 kilometro kada oras. Kaya rin nitong lumigid nang matagal sa himpapawid, lumipad nang pabulusok, magbago ng direksyon nang ubod-bilis,…

OBRA MAESTRA

Sa isang artikulo niya sa magasing The Atlantic, ikinuwento ng manunulat na si Arthur Brooks ang pagbisita niya sa National Palace Museum sa Taiwan. May nagtanong sa kanya, “Ano ang itsura ng isang obrang gagawin pa lang?” “Blangkong canvas,” tugon ni Brooks. Ngunit may ibang pagtanaw ang nagtanong, “Maaari ring may obra maestra na sa canvas; ipipinta na lang ito…

GAANO MAN KALIIT

Kung mga pelikula sa Hollywood ang pagbabatayan natin, magarbo ang mga secret agent at nagmamaneho sila ng mga mamahaling sasakyan. Pero ayon kay Jonna Mendez, isang dating pinuno ng Central Intelligence Agency (CIA), kabaligtaran noon ang tunay na buhay ng isang secret agent. Dapat kasi, simple lang sila, hindi pansinin, at madaling makalimutan.

Sa Biblia, nag-espiya ang dalawang taga-Israel sa Jerico. At…

PUSONG MAPAGBIGAY

Sa huling araw namin sa Wisconsin, isinama ng kaibigan ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Kinslee para makapagpaalam. “Ayaw kong umalis kayo,” sabi ni Kinslee. Niyakap ko siya at ibinigay ang isang pamaypay ko. “Sa tuwing mami-miss mo ako, gamitin mo ito at tandaan mong mahal kita.” Tinanong niya kung puwedeng iyong mas simpleng pamaypay na lang…

ALAGAAN ANG HALAMANAN

Noong magtanim ako ng mga prutas at gulay sa bakuran namin, may mga napansin akong kakaiba. Una, may maliliit na butas sa lupa. Tapos, biglang nawala ang unang bunga namin bago pa ito mahinog. Isang araw, nakita ko na lang na nabunot ang pinakamalaking tanim namin na strawberry. Kuneho pala ang salarin. Naisip ko, sana pala umaksyon na ako noong…

TINATAWAG SA PANGALAN

Nagpunta sa ibang bansa si Natalia dahil pinangakuan siya na makakapag-aral siya doon. Pero inabuso at pinagsamantalahan siya sa tahanang kumupkop sa kanya. Sapilitan siyang pinag-alaga ng mga bata nang walang bayad. Bawal din siyang lumabas ng bahay o gumamit ng telepono. Ginawang alipin doon si Natalia.

Naranasan din ni Hagar na maging alipin. Ni hindi siya tinawag sa pangalan…

IBANG PAG-IYAK

Hindi lang pagkapagod o pagkagutom ang ibig sabihin ng pag-iyak ng isang sanggol. Ayon sa mga doktor sa Brown University, maaaring gamiting indikasyon ng komplikasyon ang ilang mga pagbabago sa pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Meron silang computer program na sumusukat sa tinis, lakas, at linaw ng iyak ng sanggol. Batay dito, maaari nilang malaman kung may problema sa…