Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pagkakataon Maging Liwanag

Marso 2020, habang inilalakad ni Whitney ang aso niya sa Central Park sa Lungsod ng New York, nakita niya ang mga trak, mga tarpolin, at mga puting tolda na may krus at pangalan ng organisasyong pangkawang-gawa na noon lang niya nakita . Napag-alaman niya na gumagawa ng ospital sa tolda ang grupong ito para sa mga taga-New York na may COVID-19.…

Sa Dios Tayo Umasa

Atrasado ang pagdating ng mga produkto dahil sa dami ng mga umuorder. Malapit na kasi ang kapaskuhan. Dati mas pinipili naming pumunta sa tindahan mismo para bumili ng mga kailangan namin.

Hindi kasi namin alam kung gaano kabilis darating kapag nag-order kami gamit ang internet. Pero nakahanap ang nanay ko ng mas pinabilis na pagdating ng pinamili kaya ngayon iba na…

Kahinaan Ang Lakas Niya

Dalawang taon nakulong si Drew dahil sa paglilingkod kay Jesus. May nabasa siyang kuwento ng mga misyunerong buo ang kagalakan kahit noong nakakulong sila pero iba ito sa naranasan niya. Sinabi niya sa asawa na nagkamali ang Dios sa napiling tao para magdusa para sa Kanya. Ang sagot ng asawa niya: “Sa tingin ko tamang tao ang napili Niya. Hindi…

Para Sa Magandang Balita

Taong 1916 nang nagtapos si Nelson, tubong Virginia, sa pag-aaral ng medisina, ikinasal, at tumungo sa Tsina kasama ang kaniyang asawa. Naging doktor siya sa Love and Mercy Hospital na nag-iisang ospital sa lugar na halos dalawang milyon ang nakatira. Nanirahan doon ng dalawangpu’t-apat na taon si Nelson, kasama ang pamilya niya, at naglingkod sa pamamalakad ng ospital, pag-oopera, at pagpapahayag…

Ituring Na Kapatid

Hiniling ng lider namin na kausapin ko si Karen nang sarilinan. Mugto ang mata at luhaan ang pisngi ni Karen nang makita ko. Apatnapu’t-dalawang taong gulang siya at nais makapag-asawa. May manliligaw – ang boss niya – pero may asawa na. Kinalakihan ni Karen ang malupit na panunukso ng kapatid na lalaki at ang hindi pagpapakita ng pagmamahal ng ama. Maaga…

Walk on

Walk On ang titulo ng talambuhay ni Ben Malcolmson, isang estudyangteng walang karanasan sa football na naging walk on – manlalarong hindi nirekrut – para sa 2007 koponang Rose Ball ng Unibersidad ng Timog California. Isang manunulat sa kolehiyo si Malcolmson at isinulat niya ang napakahirap na hinandang pagsubok para sa pagpili ng mapapabilang sa koponan. Hindi siya makapaniwala: nakapasa siya!

Pagkatapos mapabilang…

Pagtitiwala Sa Pananaw Ng Dios

Tila mali ang binigay na direksyon ng GPS – pumasok kami sa highway na apat ang lane pero payo agad ng GPS na lumabas at gamitin ang kahilerang kalsada na mas maliit, isang lane lang. “Magtitiwala na lang ako,” sabi ni Dan, at sinunod ang GPS kahit hindi naman matrapik sa highway.

Lumipat kami sa mas makitid na kalsada at makatapos tumakbo nang mga sampung milya,…

Tumakas Sa Mga Pabo

Nagjojogging ako sa isang makitid na kalsada nang makita ko ang dalawang ligaw na pabong nakatayo sa bandang unahan. Gaano kalapit ako puwedeng lumapit? napaisip ako. Tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang. Papalapit sa akin ang mga pabo – saglit na lang nandiyan na ang ulo nila sa baywang ko. Gaano katalas ang mga tuka nila? Tumakbo na ako…

Tunay Na Pagbabago

Magulo ang pamilyang kinalakihan ni Claud sa London. Noong labinglimang taong gulang siya, nagbebenta na siya ng marijuana, at heroin noong dalawangpu’t-lima. Naging gabay (mentor) siya sa mga kabataan para pagtakpan ito. Hindi nagtagal napukaw ng manager nila (na tagasunod ni Jesus) ang atensyon niya. Lumahok si Claud sa isang pag-aaral tungkol sa pananampalatayang Cristiano. Pagkatapos, tinanggap niya si Jesus sa buhay…

Ang Puso Ng Galit

Pinakamahalagang obrang tungkol sa pulitika na ipininta ni Pablo Picasso ang Guernica. Larawan ito ng pagkawasak ng isang maliit na bayan sa bansang Espanya. Noong panahong tinatawag na Rebolusyon ng Espanya na mga taon din bago sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, pinahintulutan ng Espanya ang mga eroplano ng Alemanya na magsanay ng pagbagsak ng bomba sa bayan ng Guernica.

Naging…