Month: Enero 2019

Nakakahawang Pagmamahal

Si Karen ay isang nars. May kasama siya sa kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus na babaing may malalang sakit na hahantong sa pagiging paralisado. Mayroon sanang sasagot ng gastusin ng babae kung ilalagay siya sa isang lugar kung saan inaalagaan ang tulad niyang may ganoong uri ng sakit. Pero masakit naman sa loob ng kanyang asawang lalaki na dalhin…

Sulatan

[kickpress-notes]

Maling Akala

Si Don ay isang aso na alaga ni Tom. Nakatira sila sa isang bukid. Minsan, umalis si Tom at isinama niya si Don para tingnan ang mga alaga niyang hayop na nasa burol. Pagdating nila doon, iniwan ni Tom si Don sa loob ng sasakyan. Nakalimutan nga lang ni Tom na iangat ang pampreno ng kanyang sasakyan kaya umabante ito pababa…

Saktong Regalo

Masyadong abala ang marami sa Amerika tuwing pagkatapos ng pasko. Abala sila sa pagbabalik ng mga hindi nila nagustuhang iniregalo sa kanila sa tindahan kung saan binili ang natanggap nilang regalo. Iilan lang sa mga kakilala natin ang sakto ang regalo at tiyak na magugustuhan natin. Paano kaya nila nalalaman ang gusto talaga nating matanggap? Dapat kinikilala natin ang taong pagbibigyan…

Kasalanan: Ugat ng mga problema sa mundo

Kasalanan: Ugat ng mga problema sa mundo

Nais ng isang mabuting magulang na kusa silang mahalin ng kanilang mga anak at hindi napipilitan lang. Kaya naman, ipinapadama ng isang magulang ang pagmamahal sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang mga pangangailangan, pag-aaruga sa kanila nang maayos at pagprotekta laban sa anumang makakasama sa kanila. Minamahal naman ng anak…

Tanggapin ang Alok ng Dios

Tanggapin ang Alok ng Dios

Ang Dios Ama ay hindi lang mabuti at mapagmahal na Dios, sa halip Siya rin ang Dios ng kagandahang-loob. Ibig sabihin, walang anumang kundisyon ang kinakailangan para matanggap ang regalo ng Dios na kapatawaran sa kaparusahan sa kasalanan. Hindi mo kailangang maging mabuti o gumawa ng paraan sa sariling pagsisikap para matamo mo ang kaligtasan. Kailangan…

Iniligtas sa Kamatayan

Iniligtas sa Kamatayan

Isipin natin ang kaparusahan sa ating kasalanan ay utang natin sa Dios. Dahil likas tayong makasalanan, ang utang na ito ay hindi natin kayang bayaran sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Pero gumawa ang Dios ng paraan para dito. Sinasabi sa Kautusan na kailangan pagbayaran ng tao ang ginawa niyang kasalanan pero wala tayong kakayahan para bayaran ito. Kaya naman,…

May Pag-asa

Maganda sana kung perpekto ang ating mundo. Walang kasamaan, sakuna at malulubhang sakit na mararanasan. Maganda sana kung makakapamuhay tayo nang mapayapa, walang kaguluhan at pagtatalo sa ating pamilya o lipunan. Maganda rin sana kung hindi na natin kailangan pang alalahanin ang tungkol sa ating kakainin, susuotin at titirhan. Maging ang alalahanin pa kung paano masusuportahan ang ating pamilya kapag…

Mapagpasalamat

Nais ni Sue na lalong gumanda ang relasyon niya sa Dios at maging mapagpasalamat. Kaya, nagsusulat siya sa isang pirasong papel ng isang maipagpapasalamat sa Dios at inilalagay niya ito sa isang garapon. May mga panahon na marami siyang naipagpapasalamat sa buong araw pero may mga araw din naman na parang wala siyang makitang dahilan para pasalamatan ang Dios. Sa pagtatapos…

A New Beginning

Isang bagong paglalakbay para sa isang kamangha-manghang patutunguhan.

 

Ang bagong taon ay isang magandang pagkakataon upang makapagsimula muli. Mahaharap natin nang may pag-asa ang kinabukasan at ang lahat ng mga magagandang bagay na maaari nating makamtan sa pamamagitan ni Cristo na siyang nagbibigay sa atin ng panibagong pagkakataon. Kaya naman, hindi pa huli ang lahat para sa ninanais na bagong…