Month: Hulyo 2019

Kasama Ang Dios

Sa isang nursing home o lugar kung saan kinukupkop ang mga matatanda, may isang matandang babae na hindi nakikipag-usap sa kahit na sino. Hindi rin siya humihingi ng kahit ano. Nandoon lamang siya sa kanyang kuwarto at nakaupo sa kanyang tumba-tumba. Madalang lang siyang magkaroon ng bisita kaya pinupuntahan siya ng isang nars tuwing libre ang oras nito. Hindi niya pinipilit…

Iniahon mula sa Tubig

Bilang isang lifeguard, alerto ako sa pagbabantay kung may nakaambang panganib para sa mga lumalangoy. Nagbabantay ako upang matiyak ang pagiging ligtas nila mula sa anumang disgrasya. Kung bigla na lang akong umalis o hindi ako magiging alerto, maaaring may hindi magandang mangyari sa mga lumalangoy. Kung sakali naman na may nalulunod dahil hindi ito masyadong marunong lumangoy o napulikat ito,…

Pagkauhaw

Si John F. Burns ay 40 taon nang nagsusulat para sa The New York Times. Nang magretiro siya noong 2015, isinulat niya ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigang malapit nang mamatay dahil sa kanser. “Huwag mong kalimutan, hindi mahalaga kung gaano kalayo ang narating natin sa buhay, ang mahalaga ay kung ano ang natutunan natin mula sa ating paglalakbay sa…

Komunidad

Ayon kay Henri Nouwen ang komunidad ay isang lugar kung saan nakatira ang iba’t ibang uri ng tao na kadalasa’y mga hindi natin gustong makasama. Natural sa ating mga tao na magnais makasama ang mga taong gusto natin kaya naman bumubuo tayo ng samahan, hindi ng komunidad. Makakabuo ang kahit sino ng samahan pero mahirap ang bumuo ng isang komunidad. Nangangailangan…

Tunay Na Paglilingkod

Sikat noon ang mga pelikulang may halong awitan. Ang mga aktres na sina Audrey Hepburn, Natalie Wood, at Deborah Kerr ang kilala sa larangang iyon. Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang boses ni Marni Nixon ang ginamit ng mga aktres sa pag-awit. Malaki man ang naibahagi ni Marni sa tagumpay ng mga pelikula, hindi siya nabigyan ng karapat-dapat na parangal.…