Month: Hulyo 2019

Pagiging Mabuti

Pinalaki kami ng kapatid ko para maging mabuting tao. Sa Jamaica kung saan kami nakatira noon, ang ibig sabihin ng mabuti ay ang pagiging masunurin sa magulang, pagsasabi ng totoo, pagsisimba, pagiging matagumpay sa eskwela at sa trabaho. Naisip ko na ganito ang pananaw ng maraming tao, anuman ang kultura nila.

Sa katunayan, binanggit ni apostol Pablo sa Filipos 3 ang…

Unang Nagmahal

May pangit na karanasan sa bahay ampunan ang batang inampon namin. Dahil doon, hindi naging maganda ang pag-uugali niya. Sinikap namin na mapalapit ang loob niya sa amin bilang bago niyang pamilya.

Naiintindahan ko ang mga hirap na naranasan niya, pero lumalayo ang loob ko sa kanya dahil sa hindi magandang ugaling ipinapakita niya. Nang binanggit ko sa isang eksperto ang…

Maghihiganti ba Ako?

Ayon kay Dra. Barbara Howard, isa sa malaking dahilan ng away-magkapatid ay ang pagkakaroon ng paborito ng mga magulang. Isang halimbawa rito ay ang kuwento ni Jose sa Lumang Tipan. Paborito si Jose ng kanyang ama na naging dahilan para magalit ang kanyang mga kapatid sa kanya (GENESIS 37:3-4). Kaya, ipinagbili nila si Jose para maging alipin sa Egipto at pinalabas…

Pinalaya

Labis na natuwa si Olaf Wiigman na isang cameraman nang makalaya siya mula sa 13 araw na pagkakabihag. Ayon sa kanya, iba ang naidulot na kasiyahan ng pagkakalaya niya kaysa sa buhay niya noon na malaya talaga siya.

Mahirap maunawaan kung bakit mas makakapagpasaya sa atin kapag pinalaya tayo kaysa sa talagang malaya lang.

Ang tuwang naramdaman ni Olaf ay magsisilbing…

Hadlang

Habang ginagawa ko ang aking trabaho bilang manunulat, pumasok sa isip ko ang naging pagtatalo namin ng asawa ko. Nasabi ko, “Panginoon, mali rin ang asawa ko.” Apektado tuloy ang trabaho ko.

Kung nakahadlang sa aking trabaho ang hindi ko pagtanggap sa aking pagkakamali, mas lalo itong nakaapekto sa relasyon naming mag-asawa at sa relasyon ko sa Dios.

Tumawag na ako…