Month: Agosto 2019

Takot

Inalok ang asawa ng kaibigan ko ng trabaho na mas mataas ang posisyon sa ibang bansa. Dahil doon, kailangan nilang lumipat ng tirahan. Hindi nila ito tinanggap dahil natakot ang kaibigan ko na iwan ang kanilang bansa. Ang kanyang pangamba sa malaking pagbabagong haharapin nila ang pumigil sa kaibigan ko. Minsan, napapaisip siya kung anong mga magagandang bagay sa ibang bansa…

Sa lilim ng Pakpak

Kapag ang pag-uusapan ay tungkol sa proteksiyon, hindi ko kaagad maiisip ang balahibo ng mga ibon. Hindi kasi ito gaanong nakapagbibigay ng proteksiyon sa mga ibon. Pero kahit ganoon, may mga bagay tungkol sa balahibo ng ibon ang hindi natin napapansin.

Ang balahibo ng ibon ay isang halimbawa ng kahangahangang disenyo ng Dios. Nahahati ito sa makinis at mahimulmol na bahagi.…

Mahalin ang mga Bata

Nag-aral ng medisina si Thomas Barnado noong 1865 dahil pangarap niyang maging isang misyonerong doktor sa Tsina. Nagbago ito nang matuklasan niya na marami palang bata sa kanilang lugar sa London ang walang tirahan at namamatay na lang sa kalye. Dahil doon, nagsikap siyang magtayo ng mga matitirhan ng mga bata. Naligtas niya ang humigit kumulang na 60,000 mga bata mula…

Magtiwala

Isang babaeng may sakit ang matiyagang nananalangin kasama ang kanyang pamilya at umaasang hindi sana malubha ang sakit niya. Nang sabihin ng doktor na kanser ito, parang gumuho ang kanyang mundo. Naisip niya kung ano na ang mangyayari sa kanyang asawa’t mga anak at kung ano na ang gagawin nila. Habang pumapatak ang mga luha sa mata ng babae, nanalangin siyang…

Maging Mapagpasalamat

Dahil sa magkakalayo ang lugar sa Australia at madaling maaksidente ang mga nagmamaneho kapag pagod na, nagtayo sila ng mga lugar kung saan puwedeng magpahinga. Itinayo nila ito sa mga kalsadang madalas daanan ng mga sasakyan. At sa mga pahingahang iyon, nagbibigay sila ng libreng kape.

Nang minsang magbiyahe kami ng asawa ko, huminto muna kami sa isa sa mga pahingahan.…