2020 Devotionals
Nalalapit na ang 2020! Nakapili ka na ba kung anong devotional book ang iyong gagamitin sa parating na taon?
Mahalin ang bawat Isa
Hinahangaan ko ang isang grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus. Nagsimula ang kanilang pagtitipon bilang gawain na tumutulong sa mga dating bilanggo. Sa kasalukuyan, iba’t ibang klase ng tao ang dumadalo sa kanilang pagtitipon. Natutuwa talaga ako sa grupong ito dahil naaalala ko sa kanila kung ano sa tingin ko ang makikita ko sa langit. Na ito ay puno ng iba’t…
Kanlungan
Plano namin ng anak ko na pumunta sa isang pagtitipon ng mga kamag-anak namin. Medyo malayo ang lugar kung saan idadaos ang pagtitipong iyon. Dahil doon, kinabahan ang anak ko kung siya ang magmamaneho kaya nagprisinta ako na ako nalang. Tinanong niya ako kung kaya ko bang imaneho ang sasakyan niya. Mas panatag kasi ang pakiramdam niya sa kanyang sasakyan. Itinuturing…
Mapagmasdan
Masayang-masaya ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang Grand Canyon. Hindi ko maiwasang mamangha sa nilikhang iyon ng Dios.
Kahit na isang napakalaking butas lamang sa lupa ang Grand Canyon, ipinapaalala nito sa akin ang langit. Sobrang ganda kasi nito. Minsan, may batang nagtanong sa akin, “Nakakainip kaya sa langit? Nakakasawa kayang magpuri sa Dios doon?” Naisip ko, kung sa isang malaking…
Kasalanan
Minsan, may narinig akong pumutok mula sa aming kusina. Dali-dali akong pumunta roon. Naiwan ko pa lang nakabukas ang initan ng kape. Tinanggal ko ito agad sa saksakan at hinawakan ang ilalim nito. Gusto ko kasing tiyakin na hindi na ito gaanong mainit kapag inilapag ko sa mesa. Pagkahawak ko, napaso ang aking mga daliri.
Napapailing na lang ako habang ginagamot…