Month: Oktubre 2019

Mga Gambala

Sang-ayon ang mga eksperto na malaking oras ang nauubos araw-araw sa mga nakakagambala sa atin. Sa bahay man o sa trabaho, ang isang tawag sa telepono o ang hindi inaasahang pagbisita ng isang kakilala ay nakakapagpalihis ng ating atensyon sa mga bagay na nakatakda sana nating gawin.

Marami sa atin ang hindi natutuwa kapag may mga bigla nalang gagambala sa…

Sa kabila ng Problema

Muling naalala ni Marc ang isang pangyayari sa kanyang buhay. Ipinatawag sila noon ng kanilang ama para sabihin ang malaking problemang hinaharap nila. Malapit na raw maubos ang pera nila sa katapusan ng buwan at nasira rin ang kanilang sasakyan. Nang masabi iyon ng kanyang ama, nanalangin siya. Pagkatapos, sinabi niyang asahan nila na tutugon ang Dios.

Tumugon nga ang Dios.…

Tagapamagitan

Magandang pakinggan ang panalangin ng mahal natin sa buhay para sa atin. Masaya ring malaman na dahil sa kabutihan ng Dios, makatitiyak tayo na naririnig Niya ang mga panalangin natin.

Kung minsan, hirap tayo sa pag-iisip ng mga tamang salita kapag nananalangin. Minsan naman, nahihiya tayo sa Dios dahil sa mga pagkukulang natin sa Kanya. Magkagayon man, hindi tayo dapat sumuko…

Paglago

Ipinaguhit ang batang si Charlotte ng larawan ng kanyang sarili noong unang araw ng pasok nila sa eskuwelahan. Puro bilog ang naiguhit niya para sa mata, mukha at katawan. Ipinaguhit ulit sa kanya ang kanyang sarili noong huling araw na ng kanilang pasukan. Sa pagkakataong iyon, maliwanag na batang babae na ang naiguhit niya. Sa ipinagawang iyon, ipinapakita na mas natututo…