Month: Nobyembre 2019

Magandang Mundo

Noong 1968, naglakbay patungo sa buwan ang grupo ni Bill Anders sakay ng Apollo 8. Ipinalabas sa telebisyon ang paglalakbay nilang iyon. Habang nanonood ang buong mundo, salit-salitan nilang binasa ang Genesis 1:1-10. Matapos basahin ng kumander nilang si Frank Borman ang talatang 10, “Nasiyahan ang Dios sa nakita Niya” (ASD). Sinabi niya sa mga manonood, “Pagpalain ng Dios kayong lahat…

Pagpapagaan ng Loob

Inoperahan ako sa puso noon. Pagkatapos kong maoperahan, isinulat ng nars ang kanyang obserbasyon sa akin, “Nagpupumiglas ang pasyente."

Huli na nang malaman niya na kaya ako nagkaganon ay dahil sa kumplikasyon sa aking operasyon. Nanginig nang matindi ang katawan ko. Nakatali ang mga braso ko para hindi ko matanggal ang tubo na nakakabit sa lalamunan ko. Magkahalong takot at sakit…

Magandang Wakas

Minsan, nanood kami ng kaibigan ko ng pelikulang Apollo 13 na hango sa tunay na buhay. Bago mag-umpisa ang pelikula, bumulong ang kaibigan ko, “Sayang, namatay lahat ng bida.” Inabangan ko ang mga eksena kung saan mamamatay ang mga bida. Patapos na ang pelikula nang mapagtanto ko na biniro lang pala ako ng kaibigan ko. Nakalimutan ko na hindi nga pala…

Bantayan ang Bibig

Nagbakasyon sa Japan si Cheung at ang pamilya niya. Bago sila umuwi, plinano nilang kumain muna sa isang kilalang kainan doon. Pero hindi sila natuloy dahil naubos ang oras nila kakahanap. Hindi kasi nakuha ng asawa ni Cheung ang direksiyon papunta roon. Nagalit si Cheung at pinagsabihan ang asawa niya dahil sa pagkakamali nito.

Kinalaunan, pinagsisihan ni Cheung ang masasakit na…

Ikalawang Pagkakataon

Habang nasa ibang bansa, nakulong si Linda ng anim na taon dahil sa kanyang nagawang pagkakamali. Nang makalaya, wala siyang mapuntahan. Nawalan siya ng pag-asa. Habang nag-iipon naman ang kanyang pamilya ng pamasahe niya pauwi, may mabait na mag-asawa na kumupkop sa kanya. Binigyan siya ng makakain at matutuluyan. Naitanong niya tuloy kung bakit napakabait ng mag-asawa sa kanya gayong hindi…